Sino ba namn ang hindi mag-aasume kung sa tuwing papasok ka sa classroom nyo, ikaw agad yung lalapitan nya? Kakamustahin, aasarin at kung minsan nga, kahit wla namn kayong pag-uusapan, tatabihan ka parin nya. Yung sweet awkward moment nyong dalawa.
Tapos biglang titingin sya sayo at kapag tinanong mo namn kung bakit, ang isasagot lang nya, wala lang.
May mga pagkakataon din na lalapit sya sayo at sasabihing sabay na kayo sa pag-uwi. Yung Hindi ka na makaka-hindi kasi Hindi patanong yung sinabi nya sayo. Tapos habang naglalakad kayo papunta sa sakayan ng jeep, wala parin syang tigil sa kakasalita. Yung kung ano lang yung pumasok sa utak nya, sasabihin nya sayo. Wala lang, para may pag-usapan lang. Pero Hindi ka naiirita ah, hindi ka naiinis sa boses nya kasi deep inside, ikaw na ang pinakaswerteng tao sa buong mundo.
Nakasakay na kayo sa jeep tapos may gusto syang iparinig sayo na kanta kaya ibibigay nya sayo yung isang earphone. Kung makikita mo lang yung sarili mo habang katabi mo sya, yan na siguro yung eksenang magpapakilig sayo.
Ilang araw at linggo ring naulit yung pagiging sweet nya sayo. Hindi mo alam kung may samothing na ba o wala. Basta alam mo, may pag-asa.
Na-fall ka na sa kanya at nag aabang na lang ng go signal mula sa kanya para maging official na ang lahat.
Tapos kung kailan handa ka nang magmahal, Handa ka nang mahulog sa kanya, bigla na lang syang magbabago. Bigla na lang mawawala yung sweetness nya. Parang bigla syang lalayo ng walang dahilan.
That moment, para kang siopao. BinoBOLA ka lang, ASAdong-ASAdo ka namn.