Sorry namn, Tanga lang.

201 6 1
                                    

Sabi nila tatLong beses lang daw tayong pwedeng maging tanga sa pag ibig kada taon.

Una- yung magmamahal ka ng taong Magaling lang sa salita pero iba na sa gawa.
Pangalawa- yung papatawarin mo pa rin sya kahit ilang beses ka na nyang nasaktan.
Pangatlo- yung umaasa ka na namang mag babago sya kahit alam mo namang hindi na.

Kung ako ang tatanungin, kotang kota na ako. Minsan na akong nagmahal A nagpatawad ng taong hindi lang tatLong beses akong sinaktan. Pero sa tuwing makikita ko sya, sa tuwing maririnig ko yung pangalan nya, naaalala ko yung masasaya at nakakakilig na momments namin noon.

Ganun namn siguro sa love, nangingibabaw yung mga good memories nyo together kaya medyo nakakalimutan na natin ang mga not-so-good memories noon.

Sabi nga diba sa bible, love keeps no record of wrongs. Kapag mahal mo, papatawarin mo pa rin sya no matter what. Totoo namn eh. Ilang beses mo na bang napatawad yung girlfriend\boyfriend mo? Kahit ilang beses mo na syang nahuling may katext na iba, kahit ilang insensitive acts na ang nagawa nya sayo, kahit hindi nya na-appreciate yung mga ginagawa mo, pinapatawad mo parin sya. Ilang away bati-series na ang nangyari sa relasyon nyo pero ayan kayo, nakakapit parin.

Pero sabi ko nga, masayang maging tanga pero once na naumpog ka na, yung tipong wasak na wasak na yung puso mo at haggard ka nang magpatawad, bitiw na, mga ate at kuya. Suko na. Kawawa namn yung puso mo.

Mahal Mo Sya. Mahal Ka Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon