Assume pa more!

78 2 0
                                    

Kaharap mo sya ngayon. Nakangiti sya. Nginitian mo rin. Tapos buong araw lang kayong nagkwentohan ng mga bagay bagay na tungkol sa kung anu ano. Random things.

Habang nagsasalita sya, nakatitig ka lang sa mga mata nya, nagi-imagine na ikaw si KATHRYN Bernardo at sya namn si Daniel Padilla sa isang nakakakilig na pelikula. Feeling mo, may background music na tumutugtog habang naglalakad kayo sa mall, na sa paningin mo, kayo lang yung tao.

Kumain kayo sa isang fast food chain. Sya yung um-order tapos ikaw, nag hihintay lang sa upuan pero nakatingin ka parin sa kanya. Naglalakad sya papalapit sayo bitbit ang chicken at spaghetti na ipinaorder mo sa kanya. Ayan na, kumakain na kayo pero sa utak mo, naka-slow motion ang lahat.

Hindi nawala ang titig mo sa mga mata nyang chinito. Hindi na rin mawala yung ngiti mo sa labi kahit na may manok kang nginunguya.

Wala eh, pag ibig na ito! Tapos pagkauwi nyo, magtetext sya sayo ng salamat sa pagsama sa kanya at sana Maulit pa. Syempre, kinikilig ka pa kaya tatawag ka sa kaibigan mo para i-share yung kiLig moments na nangyari sa inyo today. Pero bigla kang magigising sa sinabi ng kaibigan mo, "talaga? Ikaw rin? Umalis din kami last week, eh."

Mahal Mo Sya. Mahal Ka Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon