Sorry, we're just friends.

178 5 1
                                    

Stuck in the middle of a heavy traffic, tinanong ko sya kung anong magandang title para sa pangatlong libro ko. At ito nga ang sinuggest nya, mahal mo sya. Mahal ka ba?

Natawa ako kasi alam ko kung saan nya hinugot ang feels about love. Na-fall kasi sya sa classmate nya mula first year collage hanggang maka-graduate sila. That's for years! The funny part was that sya yung umamin imbes na yung lalaki.

Kababae nyang tao, nag-try syang kumilos para masabi lang sa taong gusto nya ang totoong nararamdaman nya. Pero yung guy na yun ay taken na at friends lang daw talaga sila.

Recently, tinanong ko sya kung anong nangyari after nyang umamin at naging epic fail ang supposedly love story nila. Nagtext ako sa kanya.

Me : Janelle, nung umamin kang crush mo si ANO, anong nangyari? Anong sabi nya sayo?

After 12 hours of waiting, nag reply na sya.

Janelle : Di ko alam kung sinasadya mo pero alam mo bang three years na sila ng girlfriend nya ngayong araw? Well, he's a nice guy. Wala namang nagbago samin. Overall, same lang sya sakin. Kung paano sya sa iba, ganun din sya sa akin. Nakikipagbiruan at nang-aasar. :)

Alam nyo ba kung ano ang pinakaimportante sa text message nya na yun? Hindi yung kung anong nangyari eh. Hindi ang mga salitang nagsasabing walang nagbago sa kanila. Ang pinakaimportanteng bahangi ng text na yun ay ang dalawang simbolo sa dulo. Yung colon at closing bracket. Yung smiley.

Ang simbolong nagsasabing pagkatapos ng mga nangyari na kahit ilang taon na syang broken hearted sa crush nya, naging masaya parin sya. At least, sinubukan nyang sumugal sa pag ibig.

Mahal Mo Sya. Mahal Ka Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon