Bata palang ako. Lagi naakong tinatawag ng mga kaibigan ko at kaklase ko na puso (dahil nga sa buhok ko na mala-jose rizal ang datingan na makikita sa pisong barya. )
Pero ngayong matanda na ako at hindi na Jose rizal ang inspirasyon ng aking buhok kundi ang hairstyle na ni Mario Maurer, na- nareaLize ko na ang buhok pala ni Jose rizal ay parang love ng isang taong bayani sa pag ibig, one sided.
Yung Hirap na Hirap ka nang maghabol sa taong minahal mo pero mas piniling magmahal ng iba.
Yung tipong ginawa mo namn ang lahat para sa relasyon nyo pero Hindi parin nya makita.
Yung lagi ka na lang Laban nang Laban pero matagal ka na pala nyang sinukuan.
That's unfair.
Pero most of us ay nagpapakatanga. Actually, hindi namn talaga sila tanga, eh. Hoping lang silang mag babago yung taong minsan nilang minahal. Hoping na sana someday bumalik yung dating taong nagpakilig, nagpangiti at nagmahal sa kanila.
Lahat namn tayo ay nagpakatanga na sa love. Lahat namn tayo ay umasa at humiling na sana pwede pa. Na sana maisalba pa natin yung relasyon matagal nating ipinaglaban. Lahat tayo nagpakabayani na.
Pero kung waLa na talaga, maybe it's time to wake up. Oras na siguro para lumapit tayo sa pader at bahagyang iuntog ang ating ulo para magising sa katotohanang......
May iba na sya. Hindi ka na nya mahal..
Kalimutan mo na sya. Humanap ka na lang ng iba!Mahirap maging bayani sa pag ibig. Tao tayo, hindi tayo isang kongkretong pader na kahit anong nangyari, matatag parin. Nasasaktan tayo. Napapagod. Nag sasawa. Nababasag.
Huwag mo nang hayaang magkatotoo ang sasabihan ng matatanda, " Ang mga bayani ay binabaril sa luneta." Huwag mo nang hayaang barilin ka ng mga KASINUNGALINGAN nya, ng mga pananakit nya sayo, ng pagbabalewala nya sayo, ng pag asang mamahalin ka rin nya kahit hindi namn totoo.
Pero alam mo, darating din namn ang araw na mismong ikaw rin ang mag aayos ng buhok mo, ikaw rin ang magpupunas sa mga luha mo, tatago mula sa pagkakadapa at taas noo mong masasabing, " tama na. KaiLangan na kitang kalimutan. Adios!".