FATE 8

47 2 1
                                    

Fate 8

Fated



Alas dos ng madaling araw sa Esquivel General Hospital. Maulan at malamig ang simoy ng hangin. Marahang hinawi ni Eduardo ang puting pinto na naka-awang. Halos pigil hininga siya habang unti-unti niyang nasisilayan ang kanyang mag-ina. Ang kanyang anak na katatapos lamang ipanganak.


Sa gilid ni Eduardo ay ang isang anak na lalaki na apat na taong gulang pa lamang.


"Mommy!" sigaw ng batang lalaki. Bigla itong tumakbo papasok ng kwarto sa labis na pagkasabik sa ina.




Nilingon naman ito ng ina at binigyan ng isang ngiti. Ngiting pagod dahil kapapanganak pa lamang ngunit ngiting halos nakapanlalabot ng puso.

"Halika dito Harris..dito ka sa tabi ni Mommy." mahinang saad nito sa anak.



Halos maluha luhang lumapit si Eduardo sa kanyang maliit na pamilya. Sa mga taong pinaghuhugutan niya ng lakas para mabuhay.


"Siya na po ba yung little sister ko?" puno ng kuryosidad na tanong ng bata.




Inilapit naman ng ina ang sanggol na mamula mula pa ngunit litaw na ang pagkalahing mestisa nito. 

Matangos na ilong, maninipis na labi. Balat na tila ba'y isang porselana.


"Harrison, baby, meet your sister Jacy.." saad ng ama na hindi na napigilang mapaiyak sa nasasaksihan.


Tila may kung anong saya ang naramdaman ng bata nung una niyang masilayan ang kapatid. Marahan niyang hinawakan ang kamay nito at sa hindi maipaliwanag na dahilan, ay hinawakan din nga sanggol ang kanyang isang daliri.


"H-hello baby Jacy...I'm your Kuya Harris..."










Kuya.


Sa paglipas ng panahon,  unti-unting nasusuklam si Harris sa salitang iyon.




Noong una'y akala niya simple lamang ang nararamdaman, natural na reaksyon ng isang kuya sa nakababatang kapatid.


Ngunit, hindi lubos maisip ni Harris na sa tuwing nakikita niya ang kapatid na si Jacy ay bumibilis na lamang ang pagtibok ng kanyang puso.


Tila ba hindi niya makuha ang mga mata niya rito. The way he felt about Jacy... changed.




And it was one afternoon of August during Jacy's third year in high school when he realized everything.




He was in the middle of discussion in his second to the last class when his phone suddenly vibrated.

1 New Message from Princess Jacy

Kuya mauna ka na lang muna umuwi mamaya. Huwag mo na kong sunduin. May pupuntahan lang kami ni Israel. Magpapahatid na lang ako sa kanya pag-uwi.











Strange. Ngayon lang hindi nagpasundo ang kapatid sa kanya.


He carefully hid his phone from his professor and typed a reply to his sister.

To Princess Jacy

Saan kayo pupunta? Ako na ang maghahatid sa'yo dun.


But, his last class has just ended and still no reply from Jacy.


"What are you up to young woman?" He mumbled while dialing his sister's number.




But got no response.


Her FateWhere stories live. Discover now