PROLOGUE (Edited)

280 11 4
                                    


PROLOGUE

Mahal mo siya. Mahal ka niya. Ngunit inaaayawan kayo ng tadhana. Pilit pinaglalayo at iniiwas sa isa't isa.

Sa huli, wala kayong nagawa. Kayo'y napaglayo. Anong laban niyo sa gustong mangyari ng mundo? Marahil, kailangan na lamang tanggapin ang lahat.....na kailanma'y, hindi aayon ang panahon sa pagmamahalan ninyo.




Mahal mo siya. Iba ang mahal niya. Ang pinakamasakit sa lahat, kadugo mo siya. Tila ba pinaglaruan ka ng tadhana, dahil sa dinami-rami ng taong pwede mong mahalin, sariling kapatid mo pa.

Bakit ganun? Hanggang kailan mo pipigilan ang puso? Hanggang kailan mo matitiis makitang magmahal ng iba ang mahal mo?

Madaya nga siguro. Napakamadaya ng panahon. Bakit ikaw pa ang napaglaruan? Kung sana'y hindi mo lang siya kadugo, siguro, maayos ang lahat.

Walang tututol. Walang pamilyang masisira. Marahil, kailangan na lang siguro tanggapin ang gusto ng tadhana.



Mahal ka niya. Mahal mo rin siya. Ngunit kaya mo bang magmahal kung may isang nagluluksa sa sarili mong kaligayahan? Kaya mo bang tiisin ang kanyang mga luha? Paano kung sa isang maling desisyon ay may mawala? Makakaya mo bang baliin ang gusto ng tadhana?





Pagmamahalang tinutulan.
Pagmamahalang hindi karapat-dapat.
Pagmamahalang nais ipaglaban.

Hanggang saan ang kayang hamakin, maging maligaya lamang?


Hanggang saan ang kayang tiisin ng mga pusong pinagkaitan ng saya?


Mga pusong pinaglalaruan ng tadhana.



Sina Jacy, Matthew at Harris. Tatlong taong lubos na tinutulan ng panahon. Mga taong lumaban para sa kaligayahan ng kani-kanilang puso.


Love brought them together.

Fate tore them apart.


A story of how love survived.



A story of fate.

--

Her FateWhere stories live. Discover now