FATE 20

33 1 0
                                    

Fate 20

Betrayal

Nagmamadali akong pumunta ng gym pagkatapos ng klase. Ngayon na kasi ang final game niya. Nangako akong manunuod ako at susuportahan siya. Siyempre dapat lang na nanduon ang girlfriend noh! Andami kayang nagkakagusto at nagchi-cheer sa boyfriend ko! Matangkad, gwapo, matalino, mayaman, at mabait pa. Package deal kumbaga.

Hinihingal akong dumating sa gym. Mygad! Nagsisimula na! Kainis naman kasi si Miss Vron! Nag overtime pa ng fifteen minutes sa klase. Punung-puno ang gym. Lahat nagsisigawan, kanya-kanyang cheer sa koponan na gusto. Marami ang nakacolor yellow, yung color ng team ng kabila samantalang mas lamang ang mga naka color blue na siya namang team namin.

Pinilit kong isiniksik ang sarili sa napakadaming tao hanggang sa makapunta ako sa unahan. And I saw him. Akala ko naglalaro na siya but he's not with the starting five. Nakaupo lang siya sa bench nila, nakakunot ang noo at malalim ang iniisip. Bakit kaya hindi siya naglaro? He's the captain and the star player for pete's sake! Nakasalalay sa kanya ang game na 'to! I checked the score board at lamang ng pitong puntos ang kabilang team!

I looked at his teammates at mukhang nahihirapan sila sa kalaban. Ulysses, the point guard, finds it hard to block the number seven guy na ngayo'y nasa harap niya. Their team's three point shooter, Kai, looks like he's having a hard time too. Pati  na rin sina Rafa, Harvey at Damon. Kakasimula pa lang ng game at mukhang dehado sila.

Nakapameywang na si Coach Naru at mukhang sobrang frustrated siya sa nangyayari. I immediately made my way kung nasaan ang team nila at pinuntahan siya. I felt that everybody's looking at me pero wala akong pakialam.

"Babe!" I called. 

Lumingon siya agad sa akin at nakita kong lumiwanag ang kanyang mukha. "You're late!" he said.

I planted a light kiss on his cheek which made him blush a bit. "Sorry talaga. Nagdiscuss pa kasi si Miss Vron about sa field trip next week. But, I'm here okay? At bakit hindi ka naglalaro?" 

The crowd cheered at napalingon kaming dalawa sa court. Nakashoot pala si Damon. Ngayon, five points na lang ang lamang ng kalaban. Namataan ako ni Coach Naru at lumapit siya sa aming dalawa. "Buti naman at nandito kana iha. Ayaw maglaro niyan. Hindi daw siya maglalaro hanggat hindi ka dumarating. Aba'y final game na naiiinarte pa!" ika ni Coach.

I looked at him at iniwas niya ang tingin niya sa akin. Hah! Guilty! Baliw talaga! I pinched his left ear which made him cry an ouch. "Dinamay mo pa tong game na to! hala! Maglaro ka na nga!" sabi ko.

"Ayokong maglaro kung hindi mo man lang mapapanuod. I trained hard para sa'yo tapos...hindi mo rin pala mapapanuod so what's the use of it?"

I felt a warm feeling in my heart. We've been together for two years at kahit matagal na kami, he never fails to make my heart giddy by his words and actions. 

The crowd cheered  again but this time, kabilang team naman ang nakascore. The number ten guy scored three points. Nilingon ko siya at nakita kong nag-aalala din siya sa nangyayari. Habang tumatagal lumalaki ang abanse ng kabilang koponan.

I cupped his face which made him looked at me. "Maglaro ka na. Nandito lang ako. Manunuod sa'yo. I'll cheer for the best player in the world." I whispered.

Her FateWhere stories live. Discover now