FATE 2

102 5 2
                                    

Fate 2

Harris

I'm happy to see that Jacy's already fine. Parang nawalan ako ng kaluluwa nung sinabi noon ng lintek na doctor na brain dead na ang kapatid ko. Imposible. Alam kong hindi siya susuko. At tama nga ako.


As a brother, I only want what's the best for her. Yun naman dapat ang lahat ng mga kapatid diba? She's our princess and I cannot afford to lose her or even let someone harm her. Mapapatay ko lang sila.

Mahal na mahal ko ang kapatid ko.


"Kuya, tayo na."  yaya ng napakaganda kong kapatid.


Nauna na siyang pumasok sa kotse at hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan na nararamdaman ko na makita siyang ayos na ayos na ngayon.


Eight months ago, I saw her almost dying. May benda ang ulo, maraming pasa ang katawan, bali ang kanang paa, hindi makagalaw at parang ....patay na. At hindi ko na hahayaan pang mangyari ulit yun.

We're on our way to San Lorenzo's public market. May ipinabibili si Lola na ingredients para sa lulutuin niya para sa pagdating nila Mom.

"Jacy, sa tabi ka lang ni Kuya okay? Hindi mo pa alam ang mga pasikot-sikot dito sa San Lorenzo." I told her while driving.

"Kuya!? Para namang 5-year old na bata ang tingin mo sakin niyan!" sabay irap niya.

"I don't care Jacy Philline. Susundin mo ako and that's final. I only want you safe." matigas na sabi ko.



**

"I don't care Jacy Philline. Susundin mo ako and that's final. I only want you safe."


Kung hindi lang ako naaksidente, iisipin ko na lang na sinasakal na ako nila Kuya. But, what can I do? Natrauma sila sa nangyari sa akin. They never let me drive again. Hatid sundo ako ni Kuya sa school at kahit saan ako gumala. Iniisip ko nga minsan..pano na lang kung nagkagirlfriend tong mokong na to? Chaperon ang peg ko ganun? Haha!


A few minutes later, nakarating na kami dito sa market. And oh my gosh, sobrang daming tao. And they're too busy. Eversince the accident, madalas akong manibago sa mga bagay-bagay. Epekto siguro yun ng pagkakabagok ng ulo ko. Oh well.


"Yung sinabi ko Jacy." Kuya said while unbuckling his seatbelt.

"Yep Kuya. I will." At lumabas na rin kami.

Pagkapasok pa lang namin ay marami nang nag'iinvite sa amin na bumili. Oh let me correct that, kay Kuya lang pala. Madalas nakikita ko na nagtitwinkle twinkle yung mga mata ng mga tindera pag dumadaan si Kuya sa harap nila. I giggled. Gwapo talaga ng Kuya ko!


"Fish section tayo Jays."

Sumunod naman ako kay Kuya at lumiko kami sa may maliit na daanan sa left and there I saw the fish vendors together with their products.

"Iho, mura lang bili na kayo! 150 isang kilo!"

"Miss, bangus oh! 120 per kilo! Mura lang, sariwa to!"


"Hindi po ako bibili." tanggi ko dun sa mama.

Si Kuya naman bumubili na dun sa suki niya ata na oldies na. Kyaa! Ang cool ni Kuya mamili! Haha!

Iginaya ko ang tingin ko sa paligid. Grabe, eto pala yung fish section nang isang public market? Hmm... ang cute!

Napatingin ako dun sa may maliit na daan palabas na ata ng fish section, and oh my gosh! May nagtitinda ng taho! Kyaaa! Matagal tagal na rin mula nung huli akong nakatikim nun.

Sinundan ko yung magtataho. Babalik rin naman ako agad kay Kuya. Hihi.

 Nagpaliku-liko yung magtataho sa bawat daan na mararaanan niya.. Naku! Baka hindi ko mahabol to!

"Manong! Manong sandali po! Bibili po ako!"


Patuloy lang sa paglakad ang magtataho at patuloy rin ako sa paghabol sa kanya. Sht! Hinihingal ako! Sabi pa naman ni Mom bawal akong hingalin ng husto!


"Manong wait po! MANONG TAHOOOOO!!"

There. Tumigil din siya after 12345645783 years. Kung di mo sigawan, di pa titigil. Nakoooo!!

"Oh ineng! Bibili ka ba nitong tinda ko?" said ni Manong magtataho with his super ngiti.


Juskoo manong. Hahabulin ba kita kung hindi ako bibili? Duh? Haha!


"Opo. Magkano po ba?"

"Sampung piso isang baso ineng."

" Sige po. Dalawa po manong."

Inasikaso na ni Manong magtataho yung binili ko. Omigosh,, after 12345664 years, makakatikim na rin ako ulet ng taho! Ayeee! Haha! Ibibigay ko kay Kuya yung isa mamaya. I know favorite rin niya din to. Magtatantrums yun pag di ko binilhan. Minsan pacool din kasi yun, di lang halata na may soft side din siya at ak---


"Jacy?! Jacy Aranjuez?"

Napatingin ako dun sa tumawag sa akin and only to find out na kaklase ko pala siya nung fourth-year high school ako.


"Oh my gee dee! Ikaw nga Jacy! Kamusta ka na?! Namiss kita!!"


Nagtatalon talon pa siya sa sobrang saya. Siya nga pala si Thea Louise. Friend ko nung 4th year high school ako. Close naman kami at sa pagkaka alam ko, may crush to kay Kuya. Haha! Hatak chicks! Naks! XD


"Okay lang ako Thea! Ikaw kamusta kna?"- me


"Nako okay lang din ako! Graduating na sa next sem. Ikaw? Anong kinuha mong course?"


Inabot na sa akin ni Manong magtataho yung binili ko at inabot ko na din yung bayad.



"Thank you po manong. Ah Marketing yung kinuha kong course Theis. Graduating na din ako. Hehe."


"Ganun ba? Kung sa bagay, may negosyo nga pala kayo. Bagay sa'yo yan! And .. uhmm... si.. si ano.. si K-Ku--


"Si Kuya Harris kumukuha na ng masterals niya." I giggled. I know right. Hanggang ngayon halata pa rin sa kanya na crush niya si Kuya. XD


She blushed hard at napangiti. "Ehhh naman Jays eh! Wala pa naman akong sinasabi!"


Mas lalo akong napatawa. Kahit kailan talaga tong babaitang to. "Kahit sabihin mo man o hindi, alam kong si Kuya ang tinatanong mo noh."


"Eto talaga! Anyways, anong ginagamit mo sa sarili mo ha?? Gumanda ka ata lalo?! Nakoo, di na talaga titingin sa iba si Matthew niyan! Hahahaha!" saad ni Thea na natatawa.


Wait. Ano daw? Sino?

"Huh? Sinong Matthew?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Eto namang si Jacy oh! Nagbreak na kayo noh? Kung makabitter naman to oh."

Sandali lang ha. Ano bang sinasabi niya? Di ko magets. Sinong nagbreak? Sinong bitter? And sino si Matthew?

"Wait Thea. Hindi ko maprocess. Sino si Matthew?"

Napawi yung ngiti sa mukha ni Thea sa tanong ko. Napalitan ito ng naguguluhang reaksyon na kahit ako man ay ganun din ang pagmumukha sa ngayon.



"H-hindi mo matandaan si Matthew?" saad niya.

"Sino ba kasi siya Thea?!"



Ewan ko. Natatakot ako ngayon. Eto na ba yung sinasabi ng sa sarili ko na may dapat akong maalala?


"Si Ma-Matthew.. yung boyf--


"JACY PHILLINE!!!"

Her FateWhere stories live. Discover now