FATE 9

39 2 1
                                    

Fate 9

Siblings

Kapwa hindi makapaniwala sina Matthew at Harris na magkukrus ang mga landas nila.

Lalung-lalo na sa ganitong sitwasyon. Halos malunok ng dalawa ang kani-kanilang dila sa kanilang pagkikita.

Si Harris na halos suyurin ang bawat sulok ng San Lorenzo mahanap lang ang kapatid. Ang kapatid na lubos niyang iniibig.

Si Matthew na ang buong akala ay patay na ang minamahal. Na ngayo'y hinahanap ang sarili at kalalagyan sa mundo sa pag-aakalang iniwan na siya ni Philline.


"H-Harris.." mahinang saad ni Matthew. Ang huling pagkikita nila ay araw pa ng aksidente. Sa ospital kung saan isinugod sina Jacy at Matthew.

Harris' jaw clenched. Nasa harapan niya ngayon ang lalaking lubos niyang kinamumuhian. Ang lalaking umagaw sa babaeng mahal niya.



Imbes na pansinin si Matthew ay mariing tinignan niya lamang ito ng masama at nilampasan. Dali-dali siyang pumasok sa kanyang kotse at pinaandar ito.

Hinampas ni Harris ang manibela sa sobrang inis. Halu-halo ang kanyang nararamdaman ngayon. Takot, kaba, pagkamuhi. "Paano kung magkita sila?" Saad ni Harris.


Patuloy lang siya sa pagmamaneho. Wala siyang matinong paraan na naiisip kung saan mahahanap si Jacy. At isa pa, paano nga kapag magkrus ang landas ng dating magkasintahan?


"Please Jacy...don't leave me again this time. Please..." he mumbled. A tear escaped from his eye. Natatakot siya. Sobra siyang natatakot. Bahala nang mawala ang lahat sa kanya, wag lang si Jacy.


He'd rather lose the world than lose her.




He stepped on his brake in the middle of the road. Tanging taniman ng palay ang nasa paligid niya ngayon. Huni ng ibon ang maririnig sa paligid at mabilis na paghinga niya lamang.


He grab his phone and dialed his Mom's number. Agad naman itong sinagot after a few rings.


"Mom..." he mumbled.


"Harris? Son? What happened?! May nangyari ba sa kapatid mo?!" Sunud sunod na tanong nito sa anak.

"He's here."


"Who?! Sino anak?"

"The Bustamante guy." He mumbled.

Humigpit ang hawak niya sa telepono at sa manibela. "You better find Jacy immediately Harris!" Said his mom.

"Mom..pano kung--

"No son! Hanapin mo si Jacy kahit na anong mangyari! Hindi sila dapat magkita! Please son! Don't let your sister meet him again!"



He will. And he must. Makikita niya si Jacy. Hindi niya hahayaang magkita sila ulit.



He started the engine and drove again. Hoping in the heavens that he would find his sister.

Her FateWhere stories live. Discover now