FATE 12

39 2 0
                                    

Fate 12

Rain




I heard that freaking Sari calling me but I chose to ignore it. I immediately stormed out of the ice cream parlor. I just can't stand being with that woman.



"Bessy sandali!" Hingal na saad ni Paris.





There is nothing wrong with her! But why am I so pissed?!!





"Oy bessy! Bakit ka naman nagwalk out?!"




Bakit nga ba ako nagwalk out?! Eh kasi naiirita ako sa kanya! Pero bakit ako naiirita?! Argh. This is so frustrating!



"Ang bait kaya niya. And she's gorgeous. Napakaclassy rin ng style niya!"




Oh edi siya na! Siya na maganda! Siya na maganda kung manamit! Siya na! Bwiset!




"Oh edi dun ka sa kanya!"




I walked away from her then hailed a cab. Uuwi na ko sa bahay! I just got so stressed!




"Bessy ano ba! Hintay naman! Bakit ka ba naiinis?! Ano bang problema?"





Buong biyahe talak ng talak si Paris but I just remained silent. Ayaw ko ng dagdagan pa ang stress na to. Baka sumumpong naman ang migraine ko.







When we arrived, the house was quiet. Ah. Ngayon pala yung meeting nina Mom and Dad sa Baguio with their new investors. Next week pa ang uwi nila.




So I'll be alone then? K. Wala naman kasing ganang umuwi dito ang magaling kong kapatid! Kahit nga pagbisita sa ospital hindi ginawa! Magpakabusy siya sa girlfriend niya! Bahala siya!




I went to my room at nagkulong na naman. Bahala na si Paris dun sa sala. Manang Maria will surely entertain her.










Di ko namalayan na nakatulog pala ko. I checked the time and it's already 8:02pm. Ang tagal ko palang nakatulog!




I went downstairs dahil nagugutom ako. Baka may naluto na si Manang.





When I entered the kitchen, naabutan ko si Manang na alalang alala ang mukha. "What's wrong manang?"



She immediately paced to me and held my arms. "Iha, isinugod kasi sa ospital ang panganay ko. Manganganak na yata. Pwede ba aking pumunta muna dun?" Napaghain naman kita. Bukas na bukas uuwi agad ako dito! Nag-aalala lang talaga ko sa kanya"




"O-Okay lang po Manang. Sige na ho, puntahan niyo na po. Okay lang ako dito. Sasabihan ko si Mang Kanor na ihatid na lang po kayo."




She gave me a hug while tears fell down her cheeks. "Salamat talaga iha. Maraming salamat!"










Ten in the evening. Mag-isa ako sa bahay. Ni-lock ko ng mabuti ang pintuan sa baba. Chineck ko na rin lahat ng mga pintuang pwedeng pasukan ng kung sino.






I'm peacefully laying down on my bed when drops of rain started to pour outside.





Shit! Shit! Shit! Bakit ngayon pa umulan?!!!




Palakas ng palakas ang ulan sa labas and worst of it, sinabayan ito ng malakas na kulog at kidlat!




Natataranta na ko sa sobrang kaba. Nanginginig ang kamay ko sa takot. Why of all days?! Bakit ngayon pa umulan?!!




Her FateWhere stories live. Discover now