FATE 13

27 1 0
                                    

Fate 13

Two Faced



Buong araw iniwasan ko si Kuya. Hindi ko alam pero inis na inis ako.








Sa kanya at kay Sari.





He prepared breakfast but I didn't bulge. Hindi ako bumaba. Hinintay ko silang matapos at saka ako nagluto ng sarili ko makakain.

I cooked tocino and hotdogs kahit na medyo sunog ay tiniis ko pa rin. Aamin ko wala akong talent sa pagluluto pero mabuti na rin to kaysa sa kainin ang niluto nilang dalawa.

"You cooked?" He asked while I'm eating.

Hindi ko siya pinansin instead I continued eating. Bahala ka.

"Hindi ka marunong diba?" He asked again and this time, umupo na siya sa gilid ng upuan ko.

Nanatili akong tahimik. Sa lahat ng taong gusto kong makausap, si Kuya ang pinakakinaayawan ko ngayon.

Pinilit kong lunukin ang kanin kahit bumabara na ito sa lalamunan ko. Naiiyak ako pero ayaw kong ipakita ito sa kanya.

"Hey, kinakausap kita." matigas niyang  saad. Halata sa tono niyang naiinis na siya sa pananahimik ko.

"Jacy Philline...I'm talking."

I grab my plates and washed them in the sink. Naramdaman ko ang mga mabibigat niyang yapak papuntang kusina.

"What's your problem?!" He almost shouted.

But I still remained silent. Mas tinuon ko ang pansin sa paghuhugas ng pinagkainan.

Mas ikinagulat ko ang marahas niyang paghilang ng kamay ko.

"Shit!" Sigaw niya.

My left foot is bleeding dahil sa platong nabitiwan ko.

"Shit baby! I'm sorry!" He was panicking in front of me but all I can do is watch him.

Hinila niya ako palayo sa basag na plato but I didn't move an inch.

"Bitiwan mo ko." I said coldly.

Natigilan siya sa sinabi ko. He's forehead creasing. "Ano?" Ika niya.

"Ang sabi ko bitiwan mo ko."

But he didn't. Instead, he forcely grab me away from the broken pieces.

"Kuya ano ba! Sabi nang bitiwan mo ko! Wag mo kong hahawakan!!"

He was stunned. Rather, he was shocked. Ito ang unang beses na napagtaasan ko siya ng boses.

Ayaw ko. Ayokong mahawakan ng mga kamay na nahawakan na ni Sari!

I saw pain crossed in his eyes. Lumuwag ang pagkakahawak niya sakin and my heart ached.

"Okay then." He firmly said then went out.

My chest hurted like hell. Napakasakit dahil ang bilis bilis niyang bumitaw. Ang bilis bilis niyang iwan ako. This is never what I wanted.

Ang nais ko lang naman ay bumalik kami sa dati. Yung Kuya na handang gawin ang lahat para sakin. Yung Kuya na handang iwan ang lahat para makasama lang ako. Yung Kuya na handang isakripisyo ang lahat para lang sa kapakanan ko.

Kahit na dumudugo ang paa ko ay sinikap ko pa ring linisin ang mga bubog sa sahig.

Pilit kong pinipigil ang mga luha ko. Hindi ako iiyak! Hindi sa sitwasyong ito!

Her FateWhere stories live. Discover now