FATE 1

173 11 2
                                    

Fate 1

The Accident

San Lorenzo is the best place para magbakasyon. Ang ganda talaga dito sa hometown ni Mama. Vast green fields, fresh air, and no traffic! Di mo kasi yan makikita sa Manila. I really love being in here!

Kaya nga when Lola Siling (my mom's mother) asked us to spend our vacation here, hindi na kami nagdalawang isip pa. Kuya and I went here pagkatapos agad ng klase namin. Sumunod na lang sila Mom kasi may aasikasuhin pa raw silang importante.

Kuya and I are here sa dirty kitchen. Nagluluto kasi si Lola ng favorite naming suman. Tinutulungan namin siya ni Kuya.

"Harris apo, ihanda mo na yung gata," sabi pa ni Lola habang busy sa paghahalo nung malagkit.

Madali namang kinuha ni Kuya yung gata na nasa bowl. "Eto po la."

Ako naman ay nagtatalop ng kalamansi para gamitin mamaya. Excited na kong matikman yung suman! *u*

"Jacy apo, kamusta na yang pakiramdam mo? Hindi ka na ba inaatake ng sakit ng ulo?" 

I shrugged. "Okay na po ko La. Matagal tagal na rin mula nung last akong inatake."

Eversince I woke up from a coma, nagkakaroon ako headache attacks. Migraine daw to sabi ng doctor ko. I've taken naman his prescriptions at nawawala na rin siya kahit papano.

"Ikaw naman kasi Jacy! Dapat hindi ka na hinahayaan niyang si Marie na magmaneho eh! Ayan tuloy! Naku Jacy! Hindi ko kakayanin kung may mangyari sa inyo ni Harris!"

Natawa kami pareho ni Kuya. "We love you too La. And besides, it's my fault na din po kng bakit ako naaksidente."


Eight months ago ...


Ang bigat bigat ng katawan ko. Para akong walang habas na binugbog. Ni hindi ko magawang maidilat ang mga mata ko.

"Jacy anak, kailan ka pa gigising?" 

Si Mom. Umiiyak. Gusto kong sumagot sa kanya pero I don't have the force to do it. Ilang araw ko nang naririnig ang mga boses nila ni Kuya at ni Dad na umiiyak pero wala akong lakas para sumagot man lang at imulat ang aking mga mata.

What happened? Bakit sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon?

Several days passed at ganoon pa rin. Boses naman ngayon ni Kuya ang naririnig ko. May kasama siyang mas matanda ang boses.

"Kamusta na ho ba ang kapatid ko Doc? K-Kailan ba siya m-magigising?" I can hear Kuya weeping.

Why? What happened to me?

"I'm sorry Mr. Aranjuez... there's only a very slight chance na magigising pa ang kapatid ninyo. Masyadong malakas ang pagkakatama ng ulo niya. Brain dead na po ang kapatid ninyo."

Brain dead? Ako? Oh my gosh! Kuya! Mom! Dad! No!

"H-hindi Doc! M-mali kayo! Gagaling pa si Jacy! Icheck niyo siya ulet! Baka m-may namislook lang kayo! H-hindi to pwede Doc! Masaydo pa pong bata ang kapatid ko! Please! Diyos ko, maawa kayo kay Jacy! Hindi siya p-pwedeng..."


"I'm really sorry Mr. Aranjuez...nasa sa inyo ang desisyon kung kukuhanin na namin ang life support ng kapatid ninyo.."


"H-hindi doc! M-may paraan pa! Mabubuhay ang kapatid ko! Mabubuhay pa si Jacy!"


Wag kang susuko Kuya! Wag mo kong isuko! I'm alive! I can even hear you! Please don't give up on me Kuya! Konting oras pa.


"Magbabayad ka sa ginawa mo sa kapatid ko Matthew! Ikaw ang may kasalanan ng lahat!"

Matthew? Sinong Matthew?



Days passed at alam kong hindi pa rin ipinatatanggal ni Kuya at nila Mom ang life support sa akin. And I can almost feel that I'm getting better. Medyo nawawala na ang sobrang sakit na noo'y nararamdaman ko.


And before I knew it, nagising na lang ako isang araw.


"Thank goodness Jacy! thank you at hindi ka sumuko! Thank you for fighting!" Mom exclaimed crying. Nakita ko na umiiyak din ang Kuya kong sobrang astig sa gilid ng aking hospital bed. Dad was there beside Mom, crying also.

"What happened Mom? Bakit ako nasa ospital?"  I saw Mom's head creased. Why? what happened?


"You can't remember why you got into this accident?" Mom said in disbelief.

"A-ano ho ba ang nangyari Mom?"

I saw Mom looked at Dad na para bang naguguluhan. 


"You were on your way home at di mo nailagan yung boulder na hinarang nila sa daan na under construction. Your car bumped into it and there you go. Andito ka na ngayon sa ospital."  Kuya said.


I saw Kuya's hand balled into fist.

Ang reckless driver ko talaga!

Her FateWhere stories live. Discover now