FATE 3

65 6 0
                                    

Fate 3

Confused

"JACY PHILLINE!!!"

Napatalon ako sa gulat nung umalingawngaw ang galit na boses ni Kuya. 

"Oh my gee dee! Si Harrison ba yun? Ang gwapooo niya pa rin!! *O*"

Hindi maproseso ng utak ko ang mga sinabi ni Thea kanina. Sino yung Matthew?  Bakit hindi ko siya maalala?

Napatingin ako kay Kuya na papalapit sa akin. Umuusok ang ilong sa sobrang galit. Dapat ko bang sabihin sa kanya ang narinig ko? Dapat ko ba itong itanong?

" WHERE HAVE YOU BEEN JACY PHILLINE?!! KANINA PA KITA HINAHANAP!! " sigaw ni Kuya sa akin, ignoring Thea on the side na gulat din sa naging pagsigaw niya.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.  May itinatago ba ang pamilya ko sa akin?

"B-bumili lang ako ng t-taho Kuya. E-eto yung sayo." sabay abot ko ng hawak kong isa pang baso ng taho.

Imbes na tanggapin, tinabig lang ito ni Kuya at galit na bumaling sa akin.

"I told you not to leave my side Jacy. Alam mo bang kanina pa ko hanap ng hanap sayo?" he gritted through his teeth.

"Ah-eh..ma-mauna na ko Jacy! See you!" saad ni Thea sabay alis.

"Sorry Kuya." was all I can say.


Pabalik na kami sa bahay ni Lola. Walang kibuan. Kahit ako man ay hindi alam kung ano ang sasabihin. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi ni Thea kanina. Maari nga kayang may hindi sila sinasabi?

"Sino yung babae kausap mo kanina Jacy?" basag ni Kuya sa katahimikang bumabalot sa amin.

Halata mo pa rin sa mukha niya ang galit at inis. 

"C-classmate ko nung high school. Si Thea." I replied. I felt uneasy. Para bang natatakot ako kay Kuya ngayon. Para bang hindi k---

"Ouch!" I exclaimed.

Sh.t! I don't want to be in another accident again! Muntik nang masubsob ang mukha ko buti na lang at naka seat belt ako.

"Kuya naman! Wag kang magpepreno bigla!"

"May sinabi ba siya sa'yo Jays?" Kuya's jaw clenched.

"May dapat ba siyang sabihin sa akin Kuya?" I retorted.

Kuya looked at me with his pitch black eyes. Hindi ko mabasa ang expression niya. Nakita kong humigpit ang hawak niya sa manibela.  I'm scared. May itinatago ba kayo sa akin?

"Wala." said he. Pinaandar niya ang kotse at nagdrive na.

Pagdating sa bahay, dumeretso agad si Kuya sa kwarto niya at nagkulong. 

"May problema ba ang Kuya mo apo?" tanong ni Lola.

I don't know. I don't even know. And a part of me.........doesn't want to know.

"W-wala po Lola. Napagod lang siguro sa pamimili kanina." I assured her.

 **

It's already 11PM, but I still can't sleep. Kulang na lang ay dumikit na ang mga mata ko sa kisame ng kwarto ko. Kanina pa ako nakatunganga dito. Maraming mga katanungan ang gumugulo sa utak ko ngayon.

Tatanungin ko ba si Kuya? What if may itinatago nga sila sa akin? Matatanggap ko ba yun? Kung mayroon nga silang itinatago, paano naman kung para rin yun sa kabutihan ko?

"Argggggggghhhhh!!!!" tinakpan ko na lang ang bibig ko ng unan sabay sigaw ng aking frustration, baka kasi marinig nila Lola.

And before I knew it, tears starting to pour in my eyes.

"Jacy ..." 

Sh.t!! Nabalikwas ako sa gulat ng marinig ang boses ni Kuya. Tungeks ka talaga Jacy! Hindi ka na naman naglock ng pinto! -_-

"K-Kuya..i-ikaw pala.."

Nakasandal siya sa pinto and he looks very serious.

"Why are you cying?" he added.

Sh.t! Nakita niya kong umiiyak?! Agad kong pinunasan ang mukha ko. "W-wala Kuya, i-inaantok na kasi ako..k-kaya.. hehehe."

Kuya Harris closed the door and went to my bed. Agad naman akong umusog para makaupo siya.

He held both my hands and look into my eyes intently. Ngayon lang kami naging ganito kalapit sa isa't isa ni Kuya. And I can hear my heart beating loudly. Sh.t! Sasabihin na ba niya ang totoo?! Handa na ba ako?

"Just remember that what I'm doing is all for your sake Jacy Philline. I don't want you to get hurt. I want you safe..all the time..Kung pwede nga lang na itupi kita sa apat at itago sa bulsa ko para walang mangyaring masama sa'yo, gagawin ko.."

Tears again invaded my eyes. Ewan ko ba, nasasaktan ako. Alam ko na may itinatago sila pero para yun sa kabutihan ko.. 

"I love you Jacy..." Kuya said in his very sweet voice.

I could not question my brother's love for me.. He's doing everything para hindi na ulit mangyari yung aksidente eight months ago.. but still...

I looked into Kuya and I saw tears in his eyes. Sh.t! I made my very cool and awesome Kuya cry for the first time! And this breaks my heart. God.. Thank you for giving me such a very caring Kuya..

"I love you too Kuya..." I smiled, reassuring him. "Nagtitiwala ako sa'yo."

He looked at me very intently...and before I knew it, his warm lips brushed into mine, making my heart bewildered.

------

Vote, Comment. Feel free to say your opinions. :)

Her FateWhere stories live. Discover now