I wish that I could wake up with amnesia
And forget about those stupid little things"Hoy."
Like the way it felt to fall asleep next to you
And the memories i never can esca--"HOOOY!"
Oh, shit. I almost dropped my phone!
"What the hell Tristan?!" Sigaw ko habang tinatanggal ang headphones ko.
I expected an explanation, pero iba 'to, "FYI, it's 'Trisha' sis. Not 'Tristan'. At ano pang tinu-tunganga mo dyan?! Let's go na! GORA!"
My eyebrow arched, "Saan?"
"Like duh? Hindi mo talaga susuportahan ang twinlaloo mo?" Sabat ni Bella.
Ngumisi ako, "19 years old, kailangan ng suporta? Seryoso?" Isusuot ko na sana ulit ang headphones ko ng pigilan ako ni Tristan, or I mean Trisha.
"This is Ace's, right?" Tukoy niya sa headphones.
Awkward silence attacked. Pati nga rin ako, walang masabi. Natigil lang ito ng marinig ko ang buntong hininga ni Bella.
"Vanessa, can't you forget him even just for a day? Usong mag move on," pangaral niya sa akin.
"Kung kanta lang ang mag move on, na-LSS na sana ako dahil sa paulit-ulit kong pakikinig dun," sarkastikong sagot ko.
Iniligpit ko ang mechanical pencil, eraser, sketchpad at pati na rin ang headphones.
Napansin kong nagkatinginan silang dalawa. "Ok, I'm sorry Van, yayayain ka lang sana nami--"
"Ok lang," putol ko sa sinasabi ni Bella. "Pumunta na lang kayo sa Auditorium. Gusto ko lang mapag-isa. I'll catch up soon."
Nagsimula na akong maglakad pero hindi nakatakas sa tenga ko ang malakas na sigaw ni Tristan, "MAKE SURE YOU'LL CATCH UP, OR HINDI NA KITA ILILIBRE, EVERRRR!" Lumingon ako agad at ngumiti sa kanila.
Hmm... Tristan & Ysabella. Sila lang talaga ang nakatiis sa ugali ko. We were friends since Nursery. Funny, right? Hanggang sa college, magkakasundo pa rin kami. Sila lang din naman ang pinagkakatiwalaan kong mga kaibigan. 'Yung mga iba kasi, kinakaibigan lang ako for fame, o di kaya naman para mapalapit kay Vance, my twin brother. Ginagawa nila akong daan para umangat sila, which annoys me. Every time na may kumaibigan sa akin, didiretsuhin nina Bella at Tristan na hindi pwede. Overprotective? No.
Iba kasi ang sitwasyon namin ni Vance. He's a member and the acting leader of the band Upside down. They're almost 4 years in showbiz, though hindi muna sila active dahil gusto nilang makapagtapos ng pag-aaral. Ako naman, hindi pa muna ako pumapasok sa showbiz dahil gusto kong gawin muna ang 1st project ko bilang architect.
Pero hindi lang 'yun. Well, our parents, masasabi mong sikat sila. SOBRANG SIKAT.
Isang famous designer si mama. She's been the top ranker when it comes to arts and design in Europe & Asia. Hindi din mapagkakaila na marami na din siyang dinesenyong gusali. Isa na dito ang de Vera Corp at de Vera Suites.
Iyon naman ang minamanage ni papa. The de Vera Corp was awarded as the Most Outstanding company in 11 consecutive years. Idagdag na din ang de Vera Suites na nakaabot na sa US ang mga branch na pinatayo ni papa. And, guess what? Si papa din ay isang dating international singer.
Dahil dito, nagkaroon ng mga death threats ang pamilya namin. Muntik pa nga kaming ma-kidnap ni Vance noong 9 years old kami. Pero simula noon, naging maingat na sina mama at papa. At ngayon, nasa US si papa at nasa France naman si mama. Kaya hindi na kami masyadong nakakapagbonding.

BINABASA MO ANG
Forgotten Lyrics
Teen FictionA smile a mile wide... A hollow lifeless laugh... Embracing the chains... Picking up the broken pieces... Vanessa had it with her heart and mind wrecked. She's living in a wicked and twisted world, and she's slowly vanishing. Accepting the fact that...