Lyric 2

43 2 2
                                    

"HAPPY SCHOOL YEAR EVERYONE! THANK YOU AND WE LOVE YOU! SEE YOU AROUND!"

Nagtagal din ng dalawang oras ang mini concert nila. And guess what? Nagsayang lang naman ako ng dalawang oras sa panonood nito na hindi ko naman talaga gustong panoorin.

Pero in fairness, nag-enjoy ako.

"Sis! Nakita niyo 'yun diba? DIBA? YIEEEHHH!"

At ang pinakamamahal niyong lolo, i mean lola niyo, hindi maka-recover sa nangyari kanina. Tinitigan 'DAW' siya ni Jethro aka 'The Hottest of the Group' habang kumakanta.

"Na-uh. Technically, he's just staring at your direction but definitely not at you," panira ni Bella.

"Aww, you're so ruuude! E kung hindi ako, SINO 'YUN AT LULUNURIN KO SA CANAAAAAL?!"

"Woah, easy Trish. Ganito, sinong nasa left side mo?"

Kumunot ng konti ang noo ni Tristan, "'Yung babaitang shokla na plano yatang gawin akong bingi?! Whuuut?! NO NO NO, HINDI PWEDE."

Makalait naman ito, e ganun din naman siya. Mas malala pa nga siguro.

"Oookay, e right side?"

"Si Vanessa. Pero, duh? Jethro-Vanessa? Pwe! ERROR."

Tinaliman ko siya ng tingin, at agad naman siyang nag peace sign.

"Well, may possibility din naman na ang tinititigan ni Jethro ay si--"

"VANESSA?! HINDI NGA DIBA!"

"I was going to say 'Shokla'. Ok? SHOKLA."

Tristan just glared at her. At nagpatuloy na kami sa backstage para ma-congratulate ang Upside down. This is their first public appearance this school year, at swerte din nila kasi sa first day pa sila naitama.

Napatigil naman kaming tatlo sa paglalakad. Ang buong daan kasi, puno ng fans ng Upside down.

"What the--"

Dali-dali kong kinuha sa sahig ang bag kong nahulog dahil sa mga 'raging' fans nila. Masasabi na din siguro itong stampede.

"Hoy, excuse me nga. Mga tao! Haler! Tabiii!" Sigaw ni Tristan with matching kaway kaway pa. Pero walang effect ito sa mga fan girls na sigaw din naman ng sigaw.

"Excuse me mga miss," sabi ng isang crew na nagliligpit siguro sa stage dahil may mga hawak siyang mic.

"A, kuya, nakaconnect po ba 'tong mic sa speaker?" Tanong ni Tristan sa crew.

Napakamot sa ulo 'yung crew, "Ay oo nga pala, teka lang po, unplug ko lang po it--"

"Wag muna kuya, teka lang," at inagaw na ni Tristan ang mic sa crew. "EHEM, EXCUSE ME MGA TAO! DADAAN SI VANESSA DE VERA! KILALA NIYO NAMAN SIYA, DIBA? KAYA, GORA NA! MOOOOVE!"

Bigla namang nahati 'yung crowd sabay sabi nila ng 'Sorry Miss Vanessa'.

"Oh kuya, i-unplug mo na," mataray na sabi ni Tristan.

Nagpatuloy na kaming maglakad. Thanks to Tristan, pero, grabe nakakahiya 'yun.

"VANESSA! NAKITA MO BA AKO KANINA NA KUMANTA?! ANG GALING KO, DIBA?!"

At di ko na namalayan ang dalawang kamay na napunta sa mga balikat ko, "A, oo. Magpapa-fiesta na ba ako?" Note the sarcasm.

"Hmm! Naman e!" Pagmamaktol ni Vance.

"Tumigil ka nga. Oo na, magaling ka na," natatawang sagot ko sa kanya.

"Why so childish Vance?" Sabi naman ng isang kararating lang na boses. "Hi Van & Bella!"

Forgotten LyricsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon