Lyric 3

41 1 3
                                    

Hindi pa rin ako makaget over sa sinabi ni Vance. Halos makalimutan ko na din na may klase pa pala ako bukas.

"He built a gang."

Isang simple sentence pero ang hirap intindihin. Parang isang microchip. Sa sobrang liit, hindi mo malalaman na madami pa pala itong nakatagong details. Which is not that typical 'Ace' that I know.

Napahawak ako sa ulo ko.

Come on girl, why are you still thinking about him? Stop it. It's not good.

Napangisi ako. Now, who am I talking to?

Inilabas ko ang laptop ko at nag log in sa Facebook. Ilang linggo na akong hindi active dito. Nakakatamad naman kasing magopen ng mga notifications mo, mag-reply sa mga messages, at mag-accept ng mga friend request. Kaya nga madaming nagsasabi na snob ako. Well I'm not, tinatamad lang. Wala na din kasing space ang ibang friend request. Full na daw 'yung friends list ko. Talaga? I'm not informed.

Isa pa 'tong search box. Parang nagpaparamdam na may dapat akong i-search.

Ace Shawn Alvar--

No no no, clear. What will I do? Stalk him? Hell no.

*BEEP*

Tristan Lim tagged a photo of you

Ok? Now what's this?

"Upside down's concert was a blast!"

A, 'yung picture namin kanina. I liked it then read some comments.

--Congrats Upside down!
--team bahay pero okay lang, go Upside down!
--Baby Jethro! *hearts*
--is that Vanessa de Vera? Yung nasa tabi ni Jethro?
--Omg! Bagay sila!
--VanThro! *hearts*

This is why I hate Facebook. Magli-link na lang sila basta basta. Geez, ako naman ang may kasalanan, ba't pa kasi ako nagbasa ng comments.

*BEEP*

Ace Shawn Alvarez commented on a photo you're tagged in
--Congrats guys.

Since when Upside down & Ace became close? Hindi naman siguro siya magcocomment ng gano'n na lang diba?

Pero parang may kung ano sa katawan ko na nagpagaan sa pakiramdam ko.

Di ko akalain na ganito pa rin ang impact ni Ace sa akin. 'Yung parang walang nangyari?

Pero, sadly, madami ng nangyari at hindi na 'yon mababago. Nakakatawang isipin pero deep inside, masakit at mahirap tanggapin.

Gano'n naman tayo e. Minsan, hindi na natin pinag-iisipan ang pwedeng mangyari. Kung nandyan na, go lang! 'Yung tipong 'Huwag sayangin ang grasiya'.

Forgotten LyricsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon