Lyric 4

31 1 2
                                        

Di ko alam kung ilang beses na akong humikab at nagpapalit-palit ng ayos ng pagkakaupo. Ang alam ko lang ngayon ay... Sobrang boring.

Kahit na gustong-gusto ko nang matulog, sinisikap ko pa ring makinig at magsulat ng notes. Aba, kakayanin ko 'to makapag-aral lang.

"Ok class, I'm dismissing you early because we'll have a faculty meeting. So expect na wala kayong klase sa morning session. Goodbye."

'Yan lang yata ang pinaka naintindihan kong sinabi ni Prof. Phalpac mula kaninang nagsimula siya. Halos lahat na ng estudyante ay pumunta sa kani-kanilang barkada. Habang ako, nakaupo pa rin at pa-chill lang.

"HAAA--"

"Tristan! 'Yang bunganga mo!" Suway ni Bella sa kanya.

"Shorry naman," sagot naman niya sabay kamot sa bandang batok niya.

"Grabe! First day agad ganito na nangyari sa 'tin."
"Oo nga. Ang boriiiing!"
"Huy! Ano daw 'yung assignment?"

What?! May assignment kami?!

Dali-dali kong pinuntahan ang grupo na nasa harapan ko ngayon. "Ano daw 'yung assignment natin?"

Bigla silang napatingin sa akin. 'Yung pinakamalapit sa akin, nakita ko pang lumunok ng laway o kung ano man 'yon.

"A, Miss Vanessa. U-uhm," panimula niya.

I smiled, "I'm just asking for our assignment, don't be nervous."

"Uhm," sabi niya at may kinuhang notebook. Kitang kita ko din ang panginginig ng kamay niya. Is she serious?

"M-mag share daw po ng feelings niyo po t-through a poem," paliwanag niya at agad akong iniwasan ng tingin.

"Uh, well, thank you."

Napakunot ang noo ko ng nakatalikod na ako.

"Gash, she's intimidating," rinig kong bulong niya. Gano'n ba?

Pinabayaan ko na lang sila. Hindi din naman sila siguro sanay na classmate nila ang isang de Vera.

"Ano daw 'yung assignment?" Tanong ni Bella.

"Share your feelings through a poem daw," sagot ko habang inililigpit ang mga gamit ko.

Ginulo ng ginulo ni Tristan ang buhok niya, "Ano ba 'yan, may assignment agad, argh!"

"Wala naman tayong pasok this morning. Kaya pwedeng mamaya na tayo gumawa ng poem," suggestion ni Bella.

"Hmm, nakakatamad. Wala namang sinabi na gumawa. Sa internet na lang ako kukuha," tamad na saad ni Tristan habang nakasandal sa bag niya.

"So sa caf muna tayo, then sa library. Game?"

"Ok! Ano pang hinihintay natin! GORA!"

"Ngayon ka lang yata na-excite na pumunta sa library ha," natatawang sabi ni Bella.

"Of course! Excited na kasi akong matulog! Kaya, go na."

At naghahalak-hakan kaming umalis sa room namin.

*
"Uhm, isang lasagna, isang sundae, at isang coke in can."

"'Yun lang po ba Mr. Tristan?"

"How many times do I have to tell you tita, it's Trisha. TRISHA."

"Ah, ok po Mr. Trish--" tinaliman siya ng tingin ni Tristan. Walang hiyang baklang 'to.

"M-Ms. Trisha," sabi ni tita sabay yuko. Agad namang kinuha ni Tristan ang pagkain niya.

At, ako na pala ang susunod, "Sorry kay Tristan tita. Naka bitch mode po e," paumanhin ko.

Forgotten LyricsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon