Lyric 6

37 1 1
                                    

"Sige, ok lang. Sanay na akong naiiwan."

Heck? Di pa rin ako maka get over sa 'walk out scene' ni Jethro kanina. Gano'n ba talaga kapag bad trip ka? Bigla ka na lang maghuhugot?

Umiling ako. Relax, wag kang magpadala Vanessa. Kaya nga kayo pupunta sa mall para mag-unwind, diba?

Pagdating namin do'n, makikita na ang napakadaming taong nakalinya sa isang stall dito. Halos ang iba pa nga, naka-uniform pa.

"Anong meron dito?" Takang tanong din ni Vance. Halos mamatay na din kasi sila dahil sa kakasigaw nila.

Pumunta kami sa may malapit na fountain doon sa stall na pinagkakaguluhan ng lahat. Nakita naman namin ang napakalaking poster na nakapalibot dito.

D'X MEET & GREET FANS DAY

What the hell?

"Let's get out of here--"

"OH MY GASH! IS THAT THE DE VERA TWINS?!"

"IT'S THEM! OMGGGGG!"

Halos habulin na kami ng mga taong makakameet & greet ng d'X. Meron din namang umawat na guards sa mga fans at pinalibutan nila kami at pinapunta sa isang platform na parang stage. At hindi ako makapaniwala sa nakita ko...

Almost 3/4 of the fans of d'X came to us. Seryoso ako do'n.

Humanda na siguro ang Upside down dahil malaking gulo ito lalo na sa fandom. Hindi sila papayag na matalo ang pinagmamalaki nilang d'X.

"It's good to see you here Vance."

Lumingon ako sa pamilyar na boses at napagtantong nandito sa harapan ko ang buong myembro ng bandang d'X.

"And, you, too... Vanessa."

Almost 1 month ko siyang hindi nakita. At di ko akalain na dito pa kami ulit magkikita.
In just a minute. At sa isang minutong 'yun, bumalik lahat.

"I promise, I'll never break your heart."

"I love you. And, you trust me, right?"

"Hindi ako nagloloko. Ano ako? Parang cellphone lang?"

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya."

"Nagsasawa na ako."

"Stop pestering me, will you?! Paulit-ulit na lang!"

"I don't love you Vanessa. I DIDN'T LOVE YOU."

Nararamdaman ko ang paninigas at paglamig ng mga kamay ko. Isama na rin ang mga mabibigat na hininga na pinapakawala ko.

I thought I'm done with him. Akala ko, hindi na ako apektado. Akala ko, wala na ang nakaraan. Iyon pala ang isa ko pang pagkakamali. Akala ko lang talaga ang lahat.

Umiwas ako sa mga mata niya.

Fuck, ba't ngayon pa ako naiiyak? Lahat na lang ba wrong timing?

Hinawakan ng mahigpit ni Vance ang kamay kong nanginginig. Ramdam ko din ang init ng palad niya.

"Yeah, it's good to see you too, Ace. Una na kami. At, sorry din for interrupting your fans day," pagpapaliwanag ni Vance.

"No worries V. Sige, balik na din kami."

At matapos no'n, hinila na ako ni Vance papunta sa kung saan. Yumuko na rin ako dahil sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon.

I never thought of that scenario. Gano'n pala talaga kasakit?

Malayo din masyado ang nilakad namin at naramdaman ko na lang na tumigil kami.

Linibot ng paningin ko ang paligid. Nandito kami sa isang park. Mga halaman, fountain, benches, mga masasayang tao... Ako lang yata ang ibang aura dito.

Huminga ako ng malalim. "Vance uwi na tayo."

"No."

"Please V, pagod na ako. Please." Pagmamakaawa ko. Muntik na ngang mabasag ang boses ko dahil sobrang naiiyak na ako.

Ayoko na.

"Let it out Vanessa."

Tinignan ko siya sa mata. Those eyes. Di ko akalain na iba ang ekspresyon ng mga mata niya ngayon.

I forced a smile, pero bigla nang naging blurred ang paningin ko. Yinakap niya ako at yinakap ko din naman siya pabalik. Doon na ako umiyak ng umiyak.

Déjà vu. Ganito din ang scene namin 1 month ago. Noong nalaman ko na may iba si Ace, at matagal na pala. Nagpakatanga naman ako.

Stupid. One word that describes me. And I mean it.

Minsan kasi, hindi mo na iniintindi ang pwedeng mangyari. Basta masaya ka, 'yun lang. Pero ngayon, narealize ko na hindi palaging kasiyahan ang pwedeng makuha dito.

'Yung sakit. At babaunin mo pa 'yun hanggang sa mamatay ka.

Bakit ka pa kasi masasaktan, e nagmahal ka lang naman? 'Yun ang palaging tinatanong ko sa sarili ko. 'Yung feeling na nasasaktan ka na nga, ngingiti ka pa rin? Na parang walang nangyari? Fake it til you make it? Gano'n?

At ngayon... Ano na? Naramdaman ko na lahat ng sakit. Meron pa ba? Napapagod na din naman kasi ako. Pagod na pagod.

But I'll make it, I know. I've been through this. Kakayanin ko ulit.

And remember. Love without risk is an impossibility like war without death.

*
Hi guys! Lyric 6 done! Don't forget to vote & comment!

Forgotten LyricsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon