Dumaan din naman ng mabilis ang 1st week ng Photoshoot Session namin. Wala din namang bago do'n.
Picture. Pili. Pasa. Picture. Pili. Pasa. Ilangan. Awayan.
Oo, minsan nag-aaway sina Jethro at Ace. Ewan ko ba, pero parang malakas ang tensyon sa pagitan nila.
Si Vance naman, ayun. Okay lang daw 'yung grupo nila. Medyo hindi kasi confident ang mga group mates niya. At ang ginawa niya, nagpapatugtog daw sila sa photoshoot. Minsan pa nga, pinapakanta nalang daw nila si Vance.
Kami nina Jethro? Hindi masyadong ayos. Hindi kasi magkasundo 'yung dalawa. Kaya in the end, ako 'yung gipit. Palagi ding nakadikit sa akin si Jethro. Natatakot kasi siya sa mga banta ni Vance.
Hindi daw dapat makadikit sa akin si Ace.
Napaisip din ako. Diba, plano kong mag move on? Parang hadlang talaga ang tadhana eh. Kung kailan ko pa kasing napag-isipan, saka naman siya eeksena. Sign ba 'to? Sign na dapat na talaga akong mag move on, or dapat bang...
Umiling ako para mawala 'yon sa isip ko. Imposibleng mangyari 'yon. Tss, wag na siguro akong umasa.
"Ladies and gentleman, pupunta tayo ngayon sa La Prenoire Preschool. Doon tayo magpho-photoshoot with some of the kids."
Nagsimula na akong magayos. Simple V-neck white shirt ang suot naming lahat. Dapat daw kasi simple lang ang batayan kung sino ang mananalo. Kaya ngayon, pinalitan na nila ang reference nila.
1. Bawal ang heavy make up. Powder and lipstick will do.
2. Lahat dapat ng candidates ay pare-pareho ng damit. At lahat ng damit ay plain. Nasa model ang pagpapaganda nito.At madami pang kaek-ekan ang sinabi nila. Pero, pwede din 'yon kasi nae-enhance talaga ng make up ang mukha ng isang tao. Paano makikita ang real beauty do'n?
Pumasok na kami sa mga van na hinanda para lang sa amin. Kasama ko sina Vance, Jethro at Ace. Pagkapasok ko pa lang, naramdaman ko na agad ang tensyon sa pagitan nilang tatlo. Tumabi ako kay Vance na ang sama ng tingin kay Ace. Si Jethro naman ay nakatingin sa labas ng bintana pero halatang mabigat ang aura.
Ba't naaapektuhan sila masyado? Hindi ba dapat ako ang biktima dito?
*
"Welcome to La Prenoire Preschool," basa ko sa isang signage ng dumating kami dito. Wala pang masyadong tao dito kasi may klase pa ang mga bata. Limang minuto siguro bago sila ma-excuse at makasama sa photoshoot namin.*BELL RINGS*
Maraming bata ang nagtakbuhan palabas sa mga room nila. Maraming tumakbo papuntang canteen, marami ding pumunta sa amin.
"They're adorable," rinig kong bulong ni Jethro sa tabi ko.
"Yeah," sang-ayon ko.
"Y-you... You heard what I said?" Biglang tanong niya.
"Bakit? Masama bang marinig ko 'yon?" Sagot ko.
Ngumisi siya at hindi na niya ako pinansin. Ano bang problema niya?
"Ate Vanessa!"
Napalingon ako kung saan nanggaling ang tinig na 'yon.
"Jiro!"
Tumatakbo siya patungo sa akin. I'm glad na dito pa kami magkikita.
"Hi Jiro. Kamusta ka na?"
"I'm great Ate Vanessa. You?"

BINABASA MO ANG
Forgotten Lyrics
Novela JuvenilA smile a mile wide... A hollow lifeless laugh... Embracing the chains... Picking up the broken pieces... Vanessa had it with her heart and mind wrecked. She's living in a wicked and twisted world, and she's slowly vanishing. Accepting the fact that...