Lyric 5

35 0 3
                                    

Ilang minuto kong ini-scan ang mga nagkakapalang libro na dala ni Tristan, pero wala akong mahanap na maganda. Kinusot ko ang mga mata ko bago magpatuloy.

"Tristan, wala nang ibang libro?" Tanong ko sa kanya.

"Sorry sis, 'yan lang ang kinaya ng powers ko," sagot niya ng hindi nawawala ang tingin sa phone niya. "Oww, shotek naman."

"Pssh, ano ba 'yan?" Sabi ko sabay tingin sa phone niya.

"Color switch," agad niyang sagot.

I rolled my eyes. "Bella, may poem ka na?"

Tinignan ko naman siya. Napakunot ang noo ko ng makita siyang nakatunganga sa isang libro. Take note: NAKABALIKTAD NA LIBRO.

"Bella," I said while snapping my fingers in front of her.

Kailan pa 'to nagka absence seizure?

"Ha?" Gulat niyang tanong.

Inayos ko ang nakabaliktad niyang libro, "Ok ka lang?"

Ngumiti naman siya, "Oo naman."

Sinuklian ko din naman siya ng ngiti. Di ko alam pero pakiramdam ko may problema siya.

"YES! HIGH SCORE BEATED!"

Napatingin sa amin ang mga estudyante na nasa malapit na table.

"Tristan, manahimik ka," suway sa kanya ni Bella.

Nagsibalikan naman ang mga ibang estudyante sa ginagawa nila. Pasalamat siya na malayo sa librarian ang table namin. Beast mode pa naman si Mr. Torrez.

"Sorry naman. May bagong high score lang ako," sabi niya sabay palakpak.

"Ano bang high score mo?" Tanong ko.

"Kanina, 7. Ngayon 9 na. Oh, diba, ang galing," pagmamayabang niya. Seryoso?

Ipinagpatuloy ko na lang ang pag scan sa huling libro na 'to. Kusa na ding bumagsak ang balikat ko.

I guess even poems can't express what I'm feeling right now.

Tumayo ako para makapaghanap pa ng ibang libro. Sinapian na naman siguro ng katamaran si Tristan kaya 'yan lang ang kinaya niya. Sa bagay, umaasa lang 'yan sa internet.

Dumiretso ako sa Literature Part. Marami kasi ditong Poetry books.

Nag-start na akong mag scan sa mga shelves pero parang walang 'poetry'.

"P P P P P P Poetr-- Oh shit."

Gash, may natabig akong bagay. Pero, heck? Gumagalaw na bagay?!

Tinignan ko ang paanan ko kung ano 'yun. Hindi pala ano... SINO.

Oo, tao siya. White long sleeves within a dark navy blue coat. Also with a red necktie.

Natutulog yata siya dahil may nakatakip na libro sa mukha niya.

"Myer's Poem Collection." Basa ko sa title ng libro.

Yes! That's it! 'Yan ang librong hinahanap ko. Kailangan ko na lang makuha ito sa kanya.

Nakita ko namang nakalabas ang ID niya na nasa bandang gilid na niya.

North Valley University

Jethro Mendoza
ID Number: 13-045

At dito pa niya naisipang matulog?

Forgotten LyricsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon