Lyric 7

38 0 7
                                    

"Miss Vanessa, ano pong gusto niyong kainin?"

"Chocolate cake nalang," walang gana kong sigaw sabay hila ng bahagya sa kumot ko at inayos ang earplugs ko.

I raised the music volume to the maximum level. Gusto ko munang mapag-isa. Gusto kong pabayaan muna ang mga problema.

Pangatlong araw ko nang hindi pumapasok sa university. Dalawang araw na din mula nang nangyari yo'n. Pero hanggang ngayon...

Agad kong pinahid ang luha kong nalaglag na naman. Gano'n palagi e.

Naaalala ko siya. Iiyak. Nakikita ko siya. Iiyak. Nababanggit siya. Iiyak.

Dapat kasi minsan, napapagod din ang mga mata para hindi din naman palaging umiiyak. Sawang-sawa na ako. Kawawa naman pati 'yung unan kong gabi-gabing nababasa.

"Miss Vanessa--"

"Pasok ka na lang," sagot ko at umupo ng maayos.

"Miss Vanessa, ok ka lang?"

Ngumiti ako ng pilit, "Oo naman."

Iniabot niya sa akin ang cake na pinahanda ko.

"Miss Vanessa, pupunta po ba kayo sa school niyo?"

"Hindi eh. Pagod kasi ako," sagot ko at sumubo ng cake.

"Pagod po kayo? Eh, magdamag po kayong hindi lumalabas sa kwarto niyo."

"Kasi, madami akong problema."

"Eh, Miss Vanessa, ano pong problema?"

I pinched her nose, "Alam mo Venice, ang kulit mong bata ka."

"Aray Miss Vanessa," sabi niya habang hinahawakan ang ilong niya.

"Sorry," paumanhin ko. Tumawa lang naman siya.

Sana, kasing saya ko siya ngayon.

"Alam mo Miss Vanessa, hug nalang kita para gumaan ang pakiramdam mo," suggestion niya.

"Sige nga, halika dito," sabi ko at in-extend ang mga kamay ko para yakapin siya. Yinakap din naman niya ako ng mahigpit.

"Oh, sige na Miss Vanessa. Baka hinahanap na ako ni mama sa baba," paalam niya. At tuluyan na siyang pumunta sa baba.

Anak siya ng isang katulong namin dito. She's only 13 years old, pero kaya na niyang magsilbi dito. Siya at ang mama niya ang paborito kong katulong dito. Sila lang din kasi ang nakaka-adjust sa akin. Kumbaga 'go with the flow' lang.

*BEEP*

1 message received

Vance:

Hi Van! Kumain ka na ba? Tapos na kaming magrehearse para sa mall show namin mamaya. Gusto sana kitang isama pero, baka hindi mo gusto. Sana makapunta ka mamaya. Lol. Basta, kumain ka ha? Miss ka na daw nina Tristan. Haha.

Ps. I love you sis.

Tumayo ako mula sa higaan ko at nagsimulang mag-ayos. Pupunta ako sa mall show nila. Gusto kong maging masaya si Vance kapag nakita niya ako do'n.

Forgotten LyricsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon