Lyric 10

36 0 2
                                    

"Hindi ako makapili ng ipapasa natin! Hindi ba pwedeng lahat ng pictures na lang?"

"Sorry Mr. Torres, pero isa lang po talaga."

"Shit, seryoso?" Sagot niya sabay gulo sa kanyang buhok at tutok ulit sa monitor kung saan naka-display ang mga pictures namin.

Lumapit ako kay Mr. Torres. Siya muna daw ang acting 'manager' naming tatlo.

"Miss Vanessa... Saan dito? Ang gaganda nga ng mga shots ninyo eh," naguguluhang sabi niya sa akin.

Tumawa ako ng mahina, "Good luck sa pagpili Mr. Torres."

Busy siya sa pagscroll down ng mga pictures. Halatang wala siyang mapili.

"Pwedeng mag crop?" Bigla niyang tanong.

"Ah, hindi po pwede," sagot ng isang organizer.

"Lahat na lang hindi pwede! Ano ba?" Angal niya.

Tumingin ako ng kaunti sa monitor para matignan ang sinasabi niyang picture.

Isa itong fierce shot. Medyo nakadikit sa akin si Ace habang si Jethro naman ay naka half smile. Pwede naman ito ah, bakit pa icro-crop?

"Naka half smile kasi si Jethro eh. Parang medyo panira," comment ni Mr. Torres.

"Eh di i-crop niyo. Hindi ako ang nawalan," mataray na bulong ni Jethro.

Nagpatuloy siya sa pagscroll down.

"GAHD! THIS IS IT! PWEDE 'TO!"

Napatingin kaming tatlo sa monitor.

"Eto na. Eto na talaga. Bakit ko hindi napansin 'to?" Sabi ni Mr. Torres sabay slow claps.

Candid shot. Nakatingin sa akin ng bahagya si Jethro at si Ace, nakatingin ng ibang direksyon. Tumingin ako sa shot ko.

Wow, ang saya ko dito.

Parang walang problema. Hindi din halata na nagkasakit ako pagkatapos ng photoshoot session. Dahil na din siguro no'ng naglakad ako habang umuulan. Nahimatay din pala ako no'n. Nagising na ako noon sa bahay namin. Gusto ko sanang tanungin si Vance pero hindi ko na din nagawa kasi nagmukmok lang naman ako sa kwarto buong weekend.

Nag-eemote kasi.

"Miss Vanessa, Mr. Jethro & Mr. Ace, that is all for our first session. Wala daw muna tayong second session kasi nagkasakit daw po 'yung head organizer. Pwede na daw muna kayong magpahinga," sabi ng isang organizer.

"Van, 01:13 na. Pupunta ka ba sa bahay niyo?" Tanong ni Jethro ng hindi nawawala ang tingin niya sa wrist watch niya.

"Hindi. Pupunta ako sa klase ko. Last subject ko na din kasi 'yon, hanggang 2:00," paliwanag ko.

"Art Appreciation 'yon, diba?" Tanong niya ulit.

"Oo."

"Okay. Tara na?"

"Bakit? Di ba nasa Engineering Department ka? Malayo 'yon sa Architectural Building," sabi ko ng nakataas ang kilay.

"Hindi ba nagcheck ng attendance si Prof. Malee?" Tanong niya.

Umiling lang ako.

"Yes! Safe ako sa attendance sa first day!" Sigaw niya habang nakataas ang dalawa niyang kamay na para bang nanalo ng kung anong contest.

"So you mean, classmates tayo?" Walang gana kong tanong.

"Hindi, ako 'yung assistant ni Prof. Bale student kita," pamimilosopo niya.

Forgotten LyricsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon