Vanessa's POV
Breathe in, breathe out.
Kaya mo 'to Vanessa. Just a bunch of pictures. Mga camera lang 'yan.
Inhale, exhale.
Relax.
Papalapit na kami sa NVU. Nakita ko na agad ang mga taong nagkalat sa university grounds. Biglang lumamig at nanginig ang mga kamay ko.
Gash, di ko kayang makakita ng mga tao.
Ayoko talagang nakakakita ng madaming tao. Lalo na kung kinakabahan ako, I don't want attention.
"Miss Vanessa, nandito na po tayo."
Pati ba naman 'tong si kuya driver, dumadagdag sa pressure.
Mahigpit kong hinawakan ang bag ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan pero bigla naman akong tinayuan ng balahibo.
"Miss, hindi po ba kayo bababa--"
"Teka nga lang muna Kuya," angal ko.
Isinuot ko ang jacket ko dahil talagang linalamig ako. Hindi ko nga binuksan 'tong aircon sa sasakyan eh.
Kaya mo 'to Vanessa. Head up, stay strong, fake a smile, move on.
Move on? Tss. Malabo yata 'yan eh.
Kusang nalaglag ang balikat ko. Naaalala ko na naman siya.
Geez, walang Ace muna ngayon. No to Ace.
Nag-ayos na ako at lumabas na. Napatingin naman sa akin ang mga mata ng mga estudyanteng nandito sa may malapit. Kailangan ko pang maglakad papuntang Architectural Building. Mas lalo din akong makakakita ng madaming tao.
Isinuot ko ang hoodie ko at nagsimula ng maglakad. Kaya ko 'to. Di ako magpapalaglag sa iba. Gash, nakaya kong makapasok sa showbiz, tapos sa photoshoot ako aayaw? Tsk.
Ilang chants ang naibigkas ko para ma-motivate ang sarili ko. At nagmumukha lang akong tanga dahil kinakausap ko ang sarili ko.
"OH MY GAHD! VANESSA! ANONG NANGYARI SAYO?! AKALA NAMIN DI KA PAPASOK--"
Tumigil sila at tinignan nila ako from head to toe.
"Teka nga muna, there's something wrong here," sabi ni Bella habang nakahalukipkip.
Tumaas ang kilay ko at tinignan ang sarili ko, "Bakit?"
"'Yan! 'Yan ang sinasabi ko! Ngayon ka pa nagbreak ng rules! Ba't ka naka-civilian?!" Sigaw sa akin ni Tristan.
"1st day ng photoshoot," sagot ko.
Pinameywangan niya ako, "Oh, e di ikaw na ang model! Tanggap ko na-- ARAY!"
"Hala! Makapag react ka, parang suntok 'yun! Sinundot lang kita eh!" Depensa ko ng akmang papaluin niya ako.
"Mashaket kaya yerrrrn!" Pabebeng sabi niya.
"Wag ka ngang pabebe! Tabi nga, ako diyan! Shoo!" Taboy ni Bella. "Vance told us everything. Walang hiya talaga ang Ace na 'yun!"
"Si Ace?! Ang gwapo and hot niya kaya!"
Tinaliman namin siya ng tingin.
"Ay, oo nga! Walang hiya siya! I hate you Ace!" Bawi naman niya agad.
"Whatever." Pagtataray ni Bella. "By the way, I heard na sa Auditorium ang venue niyo ngayon sa photoshoot. So, gora na?"
"Kailangan ko muna motivation, ok?" Kinakabahang sabi ko.

BINABASA MO ANG
Forgotten Lyrics
Teen FictionA smile a mile wide... A hollow lifeless laugh... Embracing the chains... Picking up the broken pieces... Vanessa had it with her heart and mind wrecked. She's living in a wicked and twisted world, and she's slowly vanishing. Accepting the fact that...