Let go Vanessa.
Let go...
Let go...
Ginulo ko ang buhok ko dahil sa frustration. Heck, bakit ganito ang epekto ng mga sinabi sa akin Jethro?
"Miss Vanessa, is there a problem?"
Napatingin ako sa harapan ko. Si Prof Deilan, nakatitig sa akin. All eyes din lahat ng classmate ko sa akin.
"Nothing sir," saad ko agad.
Bumalik din naman lahat sila sa mga ginagawa nila. 10th day ngayon ng photoshoot pero break daw muna namin ito kasi daw baka maging haggard kami sa 13th day. Sa araw na 'yon kasi ang coronation chuchu ng Inter-University Models. Sa 14th naman ang 'The Star Parade', ang pinaka-engrandeng parade DAW kasi pinaghandaan nila 'yon noon pang last year. Halatang excited.
No chances of winning. Oo, 'yon ang feeling ko ngayon. Kapag nakikita ko ang ibang mga candidates, nakikita kong sobrang confident sila sa mga shots nila. Samantalang ako...
"Okay class, keep all your things except your pen. We'll have a quiz."
What the hell? Hindi pa naman ako nakinig.
"Miss Vanessa."
Tumingin ako sa harapan ko. Nakalahad na pala sa akin ang mga test papers.
"Sorry," paumanhin ko at tinignan ng mabuti ang papel.
Madali lang pala.
Nagsimula na akong sumagot ng may narinig akong bulungan.
'Diba, hindi nakikinig kanina si Miss Vanessa, bakit siya sumagot agad?'
'Bruha, magaling kaya 'yan.'
'Alam ko. Pero, ang hirap kaya nito.'"Hindi naman siguro kailangan ng pag-uusap ang quiz na 'yan, hindi ba?" Suway ni Prof Deilan.
'Ay, grabe. Pinariringgan tayo ni prof.'
'Sumagot ka na lang kasi sa papel mo.'
'Pero mahirap nga--'"Will you please stop murmuring?" Suway ko naman. Sino bang hindi maiinis kung may nagbubulungan habang abala kang nagcoconcentrate.
"Sorry po," sabay nilang sabi at yumuko na lang.
Grabe, nagmumukha na akong maldita.
*
"If you're finished, feel free to pass your papers."Nangalumbaba ako sa desk ko. Wala kasi akong ganang maglakad papunta sa harap. Kanina ko pa kasi 'to natapos. Sadyang tinatamad lang talaga.
Nakikipagtitigan ako ngayon sa puno sa labas ng bintana. Wala naman kasi akong kasama ngayon dito sa klaseng 'to. 2nd subject ko ito at iba naman ang kina Tristan at Bella. Di bale, last subject ko na naman 'to sa morning session. Nagpapasalamat talaga ako sa napakaluwag kong schedule.
"Is that the D5?" Rinig kong bulong ng nasa harap kong babae habang nakatingin sa bintana.
"Who's D5?" Pabulong ko ding tanong.
"Uh, Miss Vanessa, sila pa 'yung gang na popular dito. From Deinara Univ. daw po sila," paliwanag niya.
Tumingin ako sa bintana at nakita ang limang lalaki na sa ngayon ay napapalibutan ng mga estudyante.
Paano... I mean, that's impossible. Why are they here?
*BZZT* *BZZT*
Madalian kong kinuha ang phone ko at binasa ang message ni Vance.
'Vanessa, get out now. Nasa labas ako.'
Agad kong nagligpit ng gamit at ipinasa ang papel ko kay Prof Deilan. Lumabas ako at as expected, nando'n na si Vance na naghihintay sa akin.
BINABASA MO ANG
Forgotten Lyrics
Fiksi RemajaA smile a mile wide... A hollow lifeless laugh... Embracing the chains... Picking up the broken pieces... Vanessa had it with her heart and mind wrecked. She's living in a wicked and twisted world, and she's slowly vanishing. Accepting the fact that...