Lyric 8

39 0 4
                                    

Vanessa's POV

"GASH, NAKAKAINLOVE SI VANCE."
"JETHRO... ANG HOT NIYA BES!"
"SI DAMON & JAKE. OHMYY!"

Ako na lang siguro ang out of place dito sa inuupuan ko. Halos kalahating oras na din akong nahihintay dito sa isang bench. Naboboring na din kasi ang makikita mo lang ay ang mga taong galing sa loob ng mall show, na nagchichismisan tungkol sa Upside down.

"Hmm, may food stalls pa ba dito?" Rinig kong sabi ng isa.

Bigla ding tumunog ang tiyan ko. Gash, nagugutom na din ako. Maghahanap na din sana ako ng makakain ng may maamoy akong...

WHAT THE HECK?! AMOY UTOT?!

Mabilis kong tinakpan ang ilong ko at umalis na do'n sa area'ng 'yun.

Sa dinami-dami ng amoy sa mundo, ba't utot pa?! Nakakabeast mode.

Nakahanap ako ng isang convenience store sa may malapit lang. Air condition na 'to, baka naman may humahabol pang utot dito.

Naglibot muna ako dito para makahanap ng makakain. At sa dami naman ng pagkain dito, sa tingin niyo, makakapili ako?

Pero in the end, isang chocolate bar at isang bottled water lang ang kinuha ko. Okay din naman neto.

Umupo ako sa table na malapit sa transparent glass wall. Kitang kita ko ang pangingitim ng mga ulap sa langit. Mukha talagang uulan. Bahagya ko namang isinandal ang ulo ko sa wall nito.

Relate din siguro sa akin ang kalikasan, 'no?

I wasted my time staring at this bottled water. Wala akong magawang productive. Nakatanaw ako sa labas ngayon at parang may naaaninag akong bulto ng tao sa di kalayuan. Medyo blurred na kasi 'tong glass wall dahil sa moisture.

Papunta siya dito. Wala siyang payong o kung ano mang panangga sa ulan kaya malamang, basang basa siya. Unti-unting bumubukas ang glass door nito.

Isang lalaking naka white V neck shirt. And as expected, basang basa siya. Pinasadahan niya ang buhok niyang basa rin.

Hot. Ok, he's hot. Lahat siguro ng babaeng nakakita sa kanya ay mafa-fall agad. Pero, ako lang ang nakakakita ngayon sa kanya.

Mafa-fall na ba ako? No. Hindi. Fall for him? Diyan ako nagkamali noon.

Tumayo na ako at lumabas sa convenience store. Ayoko ng makita ang pagmumukha ni Ace Shawn Alvarez. Sawang-sawa na ako.

Lumabas ako ng hindi man lang narealize na umuulan pala. Ano, babalik ba ako sa loob? Hindi. Nando'n siya. Sinuot ko ang hoodie ko at nagsimula na akong maglakad papuntang mall. Hihintayin ko na lang do'n si Vance.

Vance's POV

"She's not answering," angal ko habang paulit-ulit na dina dial ang number ni Vanessa.

"Relax dude, baka natutulog lang," sabi ni Jake.

"Tumigil ka nga sa kakalakad mo Vance. Nakakahilo ka. Napra praning ka naman eh," habol naman ni Damon.

Nag-give up na ako sa phone ko at umupo na lang. Pero iniisip ko pa rin si Vanessa.

Relax Vance, baka nga natutulog lang siya.

"Teka, where's Jethro?" Tanong ko.

"Lumabas kanina pa. Hindi mo na kasi namalayan," sagot ni Jake.

Bumalik na naman ang pag-iisip ko kay Vanessa. Sana okay lang siya.

Jethro's POV

Forgotten LyricsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon