calling...
Sara
"Ano na naman? We're almost there!" inis na sabi niya nung sinagot niya iyong tawag ko.
I rolled my eyes. Kahit kailan talaga 'tong si Sara! Hindi na nahiya sa akin!
"Ewan ko sa 'yo, Sara! Ang bastos mo!" I said but she just laughed at me. Ang promiscuous niya talaga. Mabuti na lang mahal ko siya kahit ganyan siya.
"Sabi mo kahapon, i-continue namin to ngayon. Tapos istorbo ka na naman?"
"It's about the kissing lesson, Sara. I already have their pictures plus their background," sabi ko sa kanya. Alam ko naman na sobrang interesado siya sa mga kissing instructors. Ugh! Ang weird pa ring isipin! I mean pakiramdam ko nasa isang alternate universe ako dahil sa existence ng mga kissing instructors na 'yan! Tunay ngang weird ang mundo dahil sino ba ang nasa matinong kaisipan ang magpapaturong humalik?!
"OMG! What do they look like? Tell me!" sigaw niya sa akin. Halos ilayo ko ang phone mula sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw niya!
"I won't. Punta ka dito."
"Okay, let's strike a deal. Let me finish our business inhere then i'll go there," sabi niya.
I made a face again. Dapat talaga mapagsabihan ko si Sara na 'wag niya na akong sabihan about sa sex life niya! I mean, oo ginagalan ko ang choices niya pero igalang niya rin ang peace of mind ko! Minsan, nagugulat talaga ako sa mga sinasabi niya, e.
"Gross. Hindi ba pwedeng some other time na lang?"
"Nope, it's now or never. Okay then, wait for me. We'll make it quick," she said and then ended the call.
Haaay, Sara. Ewan talaga si Sara. Kailangan bang iinform niya ako tungkol sa sexcapades niya?
Anyway, umuwi na ako sa condo ko. Habang hinihintay si Sara. Uhm, sabi niya quickie naman daw gagawin nila eh. OMG! Ano ba tong sinasabi ko? Nahahawa na yata ako sa mga salita ni Sara! Hindi pwede! Baka ma-adapt ko talaga at biglang kapag kausap ko ang parents ko ay magamit ko ang salita ni Sara. Malalagot talaga ako kapag nagkataon!
Habang naghihintay ko si Sara, tinignan ko na lang ang aking formspring.
Ang daming questions... pero puro anonymous naman.
Gusto mo turuan kitang humalik? Para balikan ka ni Jarred. Here's my number. Call me. I'm always good.
Lousy kisser ka ba?
Siguro virgin ka pa?
Nanlaki ang mata ko. Ang daming ganitong tanong! Iba iba lang ng sentence but they mean the same. Ang babastos nila! Ganito na kababa ang tingin nila sakin dahil kay Ynna at Jarred! Hindi naman ako kagaya ng sinasabi nila! Matino naman akong babae! Honor student ako at wala akong nilalabag na batas pero dahil sa kanila, ganito na kababa ang tingin sa akin ng mga tao.
BINABASA MO ANG
For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)
Teen FictionAfter being dumped by her boyfriend because 'she's too much of a prude,' straight-A student Dana Ferrer enlists the kissing tutorial services of the Good Kissers Inc., made up of the three campus heartthrobs. She chooses notorious Campus King, Andy...