Chapter 13
Nakabalik na din kami sa Yellow Cab, papasok na sana kami, kaya lang, umandar na naman ang pagiging "friendly" ni Andy.
"Hey, nag-eenjoy ka na ata sa pag akbay akbay sa'kin?" I remarked.
"Hindi naman, inaalala lang kita, baka ma-out of balance ka, bigla kang matumba, concerned lang ako sa iyo," he said.
"Salamat sa pag-aalala. Pero hindi ako matutumba."
"Ang taas taas naman kasi ng heels mo," reklamo niya. "Sige ka, baka matumba ka, masusugatan ka."
"Ano naman sa iyo kung masugatan ako? Ikaw ba masasaktan? Ako naman 'di ba?" tanong ko.
"Dana, 'pag nasugatan ka, magagasgasan ka, at 'pag nagagasgasan ka, magkakapeklat ka," paliwanag niya. "Ayokong magkapeklat ka, hindi ka na flawless 'pag ganun."
"Ano naman kung hindi na ako flawless? Mamamatay ba ako 'pag ganun?"
"Eh 'di hindi ka na nakapagsuot ng sexy na damit pagka ganun."
"Ayon, lumabas din ang dahilan. Gusto mo lang pala akong bosohan. Manyak ka talaga," I said.
"Hehe. Medyo lang naman. Pero concerned talaga ako."
"Tss. Oo na. Umakbay ka na. Akbay lang ha?"
"Yes, boss!" sagot niya.
Ayun, papasok na kami. Dumami yata yung tao. Nagtitinginan yung mga babae sa'min. Psh, mga high school student pa yata mga 'to eh.
"Kilala mo sila?"
"Sinong sila?"
"'Yun oh, 'yung mga babae sa dulong table," turo ko.
"Ah, oo. Si Shana 'yun, yung customer na nabanggit ko kanina."
"Siya ba 'yung babaeng narinig ko nung unang beses na tumawag ako sa'yo?"
"Nung unang beses? Kailan 'yun?" tanong niya.
"Ewan, last Friday ata? Sabi pa nga niya, "babe, hindi ka pa ba tapos diyan? Nabitin ako dun," yun yata yung sinabi niya," sagot ko base sa pagkakatanda ko.
"Ah. I remember. Istorbo ka nga nun eh. We're almost there, tapos bigla kang tumawag."
"Manyak. Child abuse 'yun ah. Mukhang high school lang 'yun ah."
"High school nga, third year nga lang 'yun eh."
"Eew, Andy. Hindi ka na naawa? Third year lang 'yung bata pinatulan mo? Tsaka bakit niyo binigyan ng kissing lesson? Bata pa 'yun."
"Bata nga, ang utak naman, pang 20 years old na. Siya nga nag-iinitiate ng kiss eh. Ako naturingang kissing instructor pero siya nagsisimula."
"Eh ano naman reason kung bakit niyo siya binigyan ng lesson?" tanong ko.
"Private na 'yan. Hindi namin pinapaalam kung bakit binigyan ng lesson ang mga customer. We give them privacy."
"Okay. Hindi na magtatanong. Pero last na," I said.
"Ang kulit, sige, ano yung last?" tanong niya.
"Nag-ano ba kayo? Yung ano."
"Anong 'ano' ba? Wala akong naintindihan kundi ano."
"Yung ano. Fine, nachansingan mo ba siya?"
"Chansing? You mean sex?"
"Eew. Wag mo ngang sabihin 'yung salitang 'yun," I told him.
BINABASA MO ANG
For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)
Teen FictionAfter being dumped by her boyfriend because 'she's too much of a prude,' straight-A student Dana Ferrer enlists the kissing tutorial services of the Good Kissers Inc., made up of the three campus heartthrobs. She chooses notorious Campus King, Andy...