Chapter 14
As of the moment, kinakaladkad ako ni Cyriel. Spell harsh again? It's C- Y- R- I- E- L. Grabe na 'to ha. Kung kanina halos yakapin na ako ni Andy para lang hindi madapa, eto namang si Cyriel, halos madapa- dapa na ako, wala pa ring paki. Hindi talaga 'to nakamana ng pagiging gentleman.
"Hey. Ano ba? Nasasaktan na 'ko. Stop dragging me!" Then he stopped.
"I'm sorry. Hindi ko napansin. I'm sorry. Really."
"Hindi napansin, halos kaladkarin mo na nga ako eh. Tsaka bakit mo ba ako hinahatak? Hello? Kaya kong maglakad. May paa ako!" I reacted.
"I already said sorry, right?" he snapped
Hindi ko siya pinansin. I walked past him. Psh. Ano akala niya? Siya lang ang may talent mang snob? Hell No! Kaya ko din. At gagawin ko yun.
"Hey, san ka pupunta?" he called out.
Hindi ko pa din siya pinansin. Okay, 3 minutes ko na siyang dinedeadma.
"Andito yung sasakyan ko. Kung ayaw mo akong pansinin. Bahala ka, balita ko pa naman ngayon may mga rapist daw na gumagala. Nire-rape nila yung mga babae tapos binebenta yung katawan para gamitin sa experiments ng MedStudents."
I lost. Natalo ako dahil after niyang magsalita, sinundan ko siya. Ang galing talaga niya. Tell me, nag-aral ba silang dalawa ni Andy ng reverse psychology? Ang galing kasi eh. O talagang mahina lang ako sa debate?
"Sasakay ka din pala. Kailangan tinatakot ka pa," he said.
Am I dreaming? Cyriel is smiling? Oh God- he is soo gwapo.
"Tss. Oo na, duwag na kung duwag. Eh sa ayokong ma-rape eh. Anong magagawa ko?" Goodness, he's still smiling. Can I melt now?
"I won't let anyone harm you, Dana."
"Ano sinasabi mo?" I asked. "Pakiulit. 'Di ko narinig."
"Sabi ko, matulog ka muna. Traffic mamaya kasi gabi na," he said
"Okay. Matutulog ako dahil masunurin akong bata." Ngayon ko lang napansin, ang gwapo pala talaga ni Cyriel? I mean, alam ko namang gwapo siya. Pero mas napapansin ko yung pagkamasungit niya. Kung pagkukumpa-kumparahin silang tatlo, sino kaya pinaka gwapo? Si Dave ay yung boy-next-door, pretty boy, etc. Si Andy naman ay yung playboy? Yun bang konting ngiti lang niya sa'yo, mamamalayan mo na lang, you can't take your eyes off him. Ang lakas naman kasi nung dating nung mokong na 'yun, kahit sabihin mong bolero. At si Cyriel naman, mysterious type of person. Napakahirap hulaan ng mood niya. Madalas masungit siya. Pero 'pag nginitian ka niya, tiyak tanggal lahat ng inis mo sa pagsusungit niya sa'yo.
Too much thinking. With that thought, I closed my eyes and fell asleep.
30 mins. later
As I opened my eyes, napansin kong hindi ko alam kung nasaan ako. Nasa'n nga ba ako?
"Hey, nasan tayo?" I asked.
"In my haven. Ang tahimik dito noh?"
"Yeah, maganda nga dito. Calming," I replied. "Pero bakit tayo nandito? We're supposed to go home, right?"
"I know. Pero natutulog ka kanina. Hindi naman kita maihatid sa inyo kasi hindi ko alam ang address. So I decided na dito muna tayo pumunta."
"Bakit hindi mo ako ginising para tanungin yung address?" I asked.
"I can't. Ang himbing himbing ng pagkakatulog mo," he answered. Besides, don't you like this place?"
"It's just that... Oh well, never mind. San nga pala 'to?"
"Dito lang din sa Makati, pero tago 'tong lugar na 'to kaya walang masyadong pumupunta."
"Ah. Ang ganda dito, pwede ko din bang gawing haven to?"
"Oo naman. Punta ka dito kapag madami kang problema o kaya gusto mo lang ng katahimikan."
This is so not Cyriel. First, ang bait bait niya sakin. Second, ngumingiti siya. And third, ngumingiti siya! I must be dreaming.
Tumambay muna kami dito sa haven ni Cyriel. I can say na ang ganda talaga dito. Ganito yung place. Nasa parang gilid ng bangin tapos makikita mo yung city lights sa baba. Ang ganda ng view, promise. Stress-reliever.
After hanging out sa haven. We decided to go home.
Wala ng nagsasalita. Naurong yung dila ko. Ayun, nakarating din kami sa condo ko. Bago ako umalis--
I gave him a peck on his cheek. Just a token of appreciation.
"Good night, Cyriel. I had fun. Thanks for bringing me home. Ingat ka." I said.
Then I closed the door and waved goodbye. Wait- did I saw him blush? Baka nilalagnat lang din yun. LoL.
At natulog na ako. It's been a long and tiring day.
BINABASA MO ANG
For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)
Teen FictionAfter being dumped by her boyfriend because 'she's too much of a prude,' straight-A student Dana Ferrer enlists the kissing tutorial services of the Good Kissers Inc., made up of the three campus heartthrobs. She chooses notorious Campus King, Andy...