Chapter 48
Wag ka ngang umiyak. Para kang tanga. Kung makaiyak ka parang nasa bingit na ako ng kamatayan.
Sinasabi niya yun habang tumatawa siya. Take note, nakakatawa pa siya kahit may mga nakasabit na kung anu ano sa katawan niya.
Eh kasi naman eh, ako yung may kasalanan kung bakit ka nandito sa ospital..
Hindi nga ikaw yung may kasalanan. Ilang beses ka bang pinanganak?
Kung hindi dahil sakin, hindi ka naman lalamigin at hindi ka magkakasakit. Mamaya, malala pala yan. Paano pag may namuong dugo sa utak mo dahil sa lamig? Hindi ko mapapatawad yung sarili ko pag nangyari yun...
Bigla na naman siyang tumawa
HAHAHA! Naririnig mo ba yung sarili mo?
Hindi nga, bakit mas hyper ka pag may sakit ka? Ang weird mo
Nakakatawa ka kasi eh. Kung anu ano yung pumapasok sa isip mo...
Sorry na ha? Basta sorry. Sorry din pala kasi hindi ka nakapasok sa school ngayon.
Okay lang yun. Nandiyan naman si Andy at Dave eh. Ikaw? Bakit hindi ka pumasok? Mamaya magalit na naman yung papa mo sa'yo pag bumagsak yung mga grades mo
Shems, oo nga pala. Okay lang ba sa'yo na umalis muna ko?
Oo naman. Sige na, baka mamiss ka ni Sara
Sige, sige. Babalik na lang ako mamaya ha?
Tumalikod na siya pero tinaas niya yung kamay niya tapos kumaway.
Nung paglabas ko, nakita kong nagkakagulo yung mga nurse. Pumunta nga ako para makiusyoso
Ako na kasi ang kukuha ng temperature niya, sabi nung isang nurse
Ako na. Kanina ka pa eh, sabi naman nung isa
Wag na nga kayong mag away. Ako na lang para masaya, sabi nung pangatlo
Grabe, hindi ko akalain na ganito pala kalakas ang dating ni Cyriel? Pati mga mas matandang babae nagkaka crush sa kanya? Lumapit ako sa mga nagkakagulong nurse
Uhm, miss?
Ano pong kailangan niyo?
Narinig ko kasi na pinag uusapan niyo yung boyfriend ko
Sinong boyfriend?
Yung pasyente dito, tapos tinuro ko yung room ni Cyriel. Biglang kumunot yung mga noo nung nurse Girlfriend ka niya?
Hindi, hindi, baka boyfriend. Okay, sabi ko sa isip ko
Ah, eh, oo. Alagaan niyo sana yung boyfriend ko, papasok na kasi ako sa school eh. Sige, alis na ko Nung pagkaalis ko, narinig kong nagbulungan yung mga nurse
BINABASA MO ANG
For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)
Teen FictionAfter being dumped by her boyfriend because 'she's too much of a prude,' straight-A student Dana Ferrer enlists the kissing tutorial services of the Good Kissers Inc., made up of the three campus heartthrobs. She chooses notorious Campus King, Andy...