Chapter 15
Haay! Today is Monday. At dahil Monday ngayon, whether I like it or not, kailangan kong pumasok sa school. Parang ang dami ng nangyari, ang dami ng nagbago. Dati papasok ako sa school na'to na masaya at excited na makita si Jarred. Mahal ko pa siya nun. Pero, mahal ko pa nga ba siya? Mahirap sagutin kasi hindi mawawala yung katotohanan na matagal din yung pinagsamahan namin. 6 months niya akong niligawan, sa loob ng 6 months na 'yun, hindi ko maitatanggi na naging special siya sa'kin. No doubts about that. Sa loob ng 26 days namin bilang mag boyfriend- girlfriend, naging sweet siya. Laging may flowers, chocolates, hatid-sundo ako sa school at bahay. Haay, kung hindi lang talaga ako tanga pagdating sa paghalik, sana ganun pa din. Normal pa din ang buhay ko. Ako pa din si Dana na in love kay Jarred. But wishing can never turn things for me. I need to move on. I need to seek for revenge.
Time to go to school. Mag cocommute lang ako. Nakakapagod ding mag commute, nalanghap ko na lahat ng usok ng Maynila. Nakaka-stress, nakaka-haggard. Pero kaya ko namang tiisin yun. Mas gugustuhin ko ng mahirapan kaysa magyabang. Ayokong sabihin sa kanila na mayaman kami. Ayoko ng kaibigan na ang habol lang sa akin ay pera. Mas gusto kong isa lang ang kaibigan, at least totoo. Kuntento na ako kay Sara. Hindi nga namin kasing yaman, totoo namang kaibigan.
Too much thinking. Hindi ko napansin, nandito na pala ako sa aking school, St. Claire's Academy. Sikat na eskwelahan na para lang sa mga may kaya. Papunta na sana ako ng room, kaya lang... May nagtakip sa mata ko.
"Good morning, sweetheart. Hulaan mo kung sino ako."
I sighed. "Andrei Guzman, stop playing games. Umagang umaga iniinis mo na naman ako."
"Fine. Hindi naman kita iniinis eh. Pinipilit ko ngang maging sweet eh," he explained.
"Ang drama."
He pinched my cheeks. "Ang cute cute mo talaga. Kaya crush na crush kita eh." Then he kissed me. Smack lang.
"Hey! Violation yun! PDA."
"I don't care about those rules. Pag gusto kitang halikan, hahalikan kita. Walang makakapigil sa'kin, besides, may contract na tayo."
"Fine. Wala naman akong magagawa kahit makipagtalo ako sa'yo eh. By the way, nasaan sila Dave at Cyriel?" I asked.
"Selos ako. Ako na nga kasama mo, sila pa rin hinahanap mo," he said.
"Hahaha! Andy? Nagda drama? Hindi bagay sa'yo pare!" I reacted.
"Pare? Anong pare? Lalaki ka ba? Sweetheart ang itawag mo sakin."
"What the hell? Sweetheart? Ang korny kaya," I said.
"Corny ka diyan. Ang sweet nga eh. Sweetheart."
"Fine. Sweetheart. Happy?"
"Of course, sweetheart. Tara, punta na tayo sa room."
"Anong tayo? Magkaiba tayo ng schedule at 'di tayo magkamukha ng classes."
"Oo nga pala. First year ka nga lang pala. Hatid na lang kita."
Ayon, naglalakad nga kami papunta sa building ng course ko. Sa lahat ba naman ng makakasalubong ko, ang dakila kong pang ex at ang haliparot na'to?
"Well, look who's here. Ang lousy kisser ng St. Claire's Academy," Ynna said.
"Look who's here. Ang dakilang manunulot," I retorted. "Ano? Kamusta na kayo ng ex ko?"
"Honestly, masaya kami ngayon. Enjoy nga eh. Ang saya daw niya kasi good kisser ako, unlike you."
"Ganon ba? Enjoy lang kayo ha? Besides wala na naman akong pakielam."
"Walang pakielam? Pero naglasing ka para kay Jarred."
"Stalker ba kita? Bakit alam mo mga ginagawa ko?"
"Me? Stalker? In your dreams, b1tch."
"Hindi naman pala eh. Eh bakit? Threatened ka ba na baka agawin ko 'yang boyfriend mo?" I mocked.
"You're so funny. Bakit naman ako mate-threaten sa'yo?"
"Because I'm prettier than you? You know Ynna, hindi na ako yung Dana na geeky at nerd. Can't you see?"
"Yeah. Nagbago ka nga. Physically. Pero 'di mo maiaalis na loser ka pa din." Then she smirked.
"Whatever. Besides, hindi ako nagrerecycle ng basura. Sa'yong sa'yo na si Jarred. Marunong naman akong magbigay sa mga higit na nangangailangan eh."
"Talaga lang ha? Baka mamaya makita kita. Nagmamakaawa na balikan ni Jarred."
"That won't happen, b1tch," I snapped.
Aba, akalain niyo nga naman, nagsalita din si Andy.
"Right, Dana. Bakit ka naman iiyak para dun sa lalaking yun? I'm your boyfriend..."
Seriously, thank you Andy. I owe you one
"Yeah. Bakit ko naman ipagpapalit yung boyfriend ko na CAMPUS KING para diyan sa boyfriend mong pinagsawaan ko na?"
I sound as if i'm a b1tch. But i couldn't care less. I'm liking this game.
"Boyfriend mo si Andrei Guzman?" she's blabbering. Inggit kasi.
"Isn't it obvious?" Then I kissed Andy, on the lips. "Siguro naman malinaw na?"
"Andrei, nagtitiis ka diyan sa babaeng yan? She's not your type. Wala siya kwenta. Look at her," she paused. "Pandak, flat chested."
"Obviously, she's way better than you--what's your name? I don't know who you are. And besides, ano bang pakielam mo?" Andy retorted.
Hahaha. Speechless. Buti nga sa'yo.
"Mukhang wala ka ng sasabihin. Alis na kami ng boyfriend ko. Good luck sa inyo ng ex ko."
BINABASA MO ANG
For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)
Teen FictionAfter being dumped by her boyfriend because 'she's too much of a prude,' straight-A student Dana Ferrer enlists the kissing tutorial services of the Good Kissers Inc., made up of the three campus heartthrobs. She chooses notorious Campus King, Andy...