32nd Chapter

684K 14.2K 3.9K
                                    

Chapter 32

The days have gone so fast, and now, pupunta na kami sa Batangas for my mother's birthday celebration. As we've discussed earlier, magco convoy dapat kami. Pero dahil wala namang isasama si Dave at Cyriel, kokonti lang kami. To sum up, ako, si Andy, Dave, Cyriel, Sara at Archie lang. At kakasya naman kami sa iisang sasakyan, so we've decided na sa iisang sasakyan na lang kami sumakay.

So yeah, andito kami ngayon sa sasakyan ni Dave. Rich kid talaga, ilan ba ang sasakyan niya?

"Malayo pa ba?" Andy asked. 

"For the nth time, malapit na tayo! Para kang bata, ang kulit mo."

"Eh kasi naman, nakakapagod maupo dito."

"Matulog ka. Andy naman, ikaw lang ang bukod tanging nagrereklamo sa tagal ng byahe."

"Eh paano nga, sanay na sa byahe yung mga yan. Si Dave laging out of the country kasama parents niya. Si Cyriel naman minsan ang pumupunta sa business meetings ng papa niya. Syempre, sanay ng mainip yung dalawang yan," Andy said. 

"Eh ikaw, bakit hindi ka din mag travel para masanay ka? Or better yet, tulungan mo yung parents mo sa paghahandle ng business niyo?"

"Indoor type of person ako. Mas gusto kong magkulong sa bahay kaysa magpa araw. And lastly, wala akong balak na maghandle ng company ni papa."

"At bakit naman ayaw mo?"

"Ayoko lang. I don't like to be dictated. Hindi dahil business man siya, magiging business man na din ako. Engineering ang hilig ko eh."

"Tss. Prodigal son. Lahat naman kayo nag eengineering eh, so lahat kayo prodigal son?"

"Hindi ah. Si Dave, ang family business nila, more on liquor. Kaya siya din ang magmamana ng business nila, besides, he's the eldest son. Si Cyriel naman, kaya engineering ang kinuha dahil yung kuya niya ang magmamanage ng business nila. At siya naman ang in charged sa pag gawa ng infrastructures," he explained.

"May kapatid ka, Cyriel?"

Nakatakip yung mukha niya ng towel ba yun? Kaya tinanguan na lang niya ako. Better than being ignored.

"Ano pangalan niya Andy?" I asked Andy instead dahil walang kwentang kausap si Cyriel.

"Si Clarence."

"Ano itsura niya?"

"Huwag mo ng itanong, Dana."

Bigla bigla namang sumisingit si Dave sa usapan

"Bakit naman?" I asked, curiouser.

"Masyadong delikado yung lalaking yun."

"Bakit?"

"Tanong mo kay Cyriel," he simply replied. 

"Ayoko nga, hindi naman ako papansinin nun eh."

"Tss. Eh di wag na."

"Di mo sasabihin? Hindi kita papapasukin sa resort namin."

"Black mail."

"Ano naman? Sabihin mo na kasi."

"Oo na. Ganito kasi yun, masyado siyang chic magnet."

"So? Ano ba tawag niyo sa sarili niyo?" I asked. 

"Psh. Iba siya, yung mga babaeng naging fling niya, halos magmakaawa ng huwag makipaghiwalay si Clarence sa kanila."

"Ano naman ang kakaiba dun? Sa tingin ko normal na lang yun eh."

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon