Gods!
Bakit ba ang daldal ng bibig ko? Akala ko tulog, gising pala. Nakakahiya ako! Grabe, nadagdagan na naman ang mga kahihiyan sa buhay ko...
Dahil sa soobrang kahihiyan at pagkabigla....Kinausap ko 'yung babae naglalagay ng extension sa'kin.
"Miss, kanina pa ba gising yun?"
"Oo, tumatambay lang dito yun. Minsan natutulog, minsan tinitignan lang mga costumers," sabi niya habang inaayos yung buhok ko.
"Ah, nagtakip lang pala ng magazine. Miss, dapat pinaalis niyo na eh, tambay lang pala dito... Nakakahiya, narinig niya pa yung mga nangyari sa buhay ko..."
Bigla naman siyang kinilig! Weird niya!
"Gwapo eh, mahirap namang paalisin."
Ang harot niya!
"At saka di naman niya kasalanan na sinabi mo sa kanya yung problema mo. Pati ng ako narinig eh. So, ikaw ang may kasalanan."
Alam ko naman! Pero kahit na ba!
After nun, minabuti kong manahimik na lamang. Habang ginagawa niya yung buhok ko... Napag isip isip ko...T
atawag na nga talaga ako. God already gave me the sign I've been asking.
After years of waiting, natapos na yung extension ko. Infairness, bagay sakin! I'll give Sara that!
Tinawagan ko si Sara.
"Hey, punta ka sa condo. I have something important to tell you."
("What? We're about to kiss eh... bad timing ka talaga!")
"Naman, Sara! Kailangan pa bang sabihin sakin yan? Tss. Anyway, kailangan tlagang pumunta dito.. It's a matter of TO CALL or NOT," I said. For sure pupunta yan! Ang kulit niya kaya about sa calling cards!
("OMG! Don't tell me nakakuha ka ulit ng calling card?!")
"Okay, I won't tell you then. Kidding, yes, I got one AGAIN. So kung pedeng ipagpaliban niyo muna ng boyfie mo yung make-out niyo? Pwede?"
("Okay, we'll continue this tomorrow,") she said. She's grinning! Alam niya kasing grossed out ako sa sex life niya! Hindi ko naman kasi dapat malaman pa 'yun! Privacy din sana kahit papaano.
"Ugh! Kadiri ka!"
("Kadiri ka jan, mamaya pagnag kissing lesson ka na, hindi lang kiss or make-out ang gawin mo, baka nga mag all the way pa kayo eh.")
LORD, BAKIT GANITO ANG BEST FRIEND KO?!
"Asa ka, Sara. Di ako ganun noh."
"Whatever, Sara. Sige, bye na, bilisan mo ha?"
"Okay, I'll be there in 15 mins. "
After 30 mins, Sara arrived.
"Ang tagal mo.Tss. 15 mins daw."
Naupo siya sa couch ko. "Blame the traffic. By the way, ano? Tatawag ka na?"
"No choice, 'di ba? For sure pipilitin mo ako kaya tatawag na lang ako."
She beamed. Nag eenjoy talaga siya sa pang aasar sa akin! Alam niya naman na nahihiya ako, e!
"Good girl. Ano? Tawag na!" she nudged me.
calling...
0916*******
After 5 rings may sumagot din.
("Who's this?")
"Good Kisser's Incorporated?" I asked. Shiz nakakahiya kahit over the phone lang!
("Yeah, what can I do for you?")
"I would like to apply for your errr- program?" Then I gulped. Ang hirap sabihin na mag aapply ka para matutong humalik! Para akong nasa alternate universe na ganito ang dapat pag-aralan! It feels so freaking wrong!
("About that? Sure, available ka ba tomorrow?")
Hindi ako nakasagot agad, I heard someone saying 'Babe, di ka pa ba tapos? Come on, nabitin ako dun.' Psh. Make-out alert! Lahat na lang ng tao sa paligid ko, iyon ang ginagawa! Uso ba?!
"I think so, Saturday naman eh..."
("Then it's a date. I'll text you the address. Gotta go.")
Then the line went dead...
"So?"
"So? So what?" sabi ko kay Sara habang nakataas ang kilay ko. Ano bang sagot ang ineexpect niya?
"Duh! Ano? Pumayag ba?"
"I think so. Sabi niya magkita daw kami tomorrow eh, tetext na lang daw niya yung address..." sabi ko tapos biglang nagpapalakpak si Sara. Mas excited pa siya sa akin, e! Siya na lang kaya!
"Nagtext na ba?"
Inirapan ko. Paano magtetext e kakababa pa lang ng tawag! At saka busy pa 'yun... sa ano niya.
"Sa tingin ko hindi pa, kasi busy yun sa pakikipag make out.. I heard someone saying, 'babe, di ka pa ba tapos? Come on, nabitin ako dun.' Psh. Usong uso make out ngayon! Bagay kayo!"
"You sound jealous, don't tell me na in love ka sa boses niya?" sabi niya tapos sinundot niya yung tagiliran ko. Tignan mo 'tong babaeng 'to!
"Oo mo, Sara."
1 message received
Starbucks sa Landmark. 3 p.m. sharp, wear something red
Nag glow naman yung mata ni Sara. Siya na kaya mag apply? Mukha interesado siya, e! "Siya na ba yan? Ano daw?"
"Starbucks sa Landmark. 3 p.m. sharp, wear something red . Psh. demanding. Red dress?"
"Talagang destined ng mag apply ka jan, remember the dress na binili natin kanina? The red one?"
"No! Don't tell me ipapasuot mo sakin yun? Halos nakahubad na ko dun ah!"
Binatukan niya ako. Ang sakit! "OA ka naman. Fashion ang tawag dun, tsaka para legs at konting cleavage lang naman ang makikita eh."
"Konting cleavage?!" I asked, hindi ako makapaniwala sa kanya!! "Eh halos wala ng natatakpan sa boobs ko eh! Hindi ko yun isusuot!"
"I'm the boss here, remember? Susuotin monyun, whether you like it or not, and that's final."
Nag walk out ako. Tss, matutulog na ko. Pero parang excited na ko para bukas. And besides, his voice sounds.. Perverted!
--
2 p.m. na nung dumating si Sara. Kanina pa ako kinakabahan. First time ko lang kasi makikipagmeet sa tao na hindi ko kilala talaga! Malay ko ba kung masamang tao pala iyon! Naku talaga! Kasalanan mo lahat ng 'to, Jarred Freaking Bautista! Dati normal na tao lang ako, ngayon kung saan-saang bagay ako napapasok!
"Buti suot mo yan," comment niya nung nakita niya na suot ko 'yung red dress--na questionable pa rin kung matatawag na dress! Tela lang 'to, e! "Nilagyan pa ng takip yung cleavage. Manang ka talaga... Ano? Ready na?"
"Yep, pero kinakabahan ako."
I was fidgeting. Gods! Kinakabahan ako! Kainis!
Sara smiled at me. And then showed me a thumbs up. "Don't be. Think positive."
"Yeah. Wish me luck!"
--
After that, pumunta na ko ng Landmark then Starbucks. 15 mins early ako. Umorder muna ko ng Caramel Macchiato made with nonfat milk and sugar-free vanilla syrup. Ewan ko ba. Ang saya kasi umorder ng mahaba iyong pangalan. Natutuwa ako kapag nasstress sa pagkabisado iyong barista.
After 15 mins... may nagsalita, di ko nakita mukha kasi nasa likod ko siya.. he said...
"Ikaw ba yung tumawag sa GKI?"
Slowmotion, lumingon ako. Gosh, this is really is it...
"IKAW?!"
Oh, God! You gotta be kidding me!
BINABASA MO ANG
For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)
Teen FictionAfter being dumped by her boyfriend because 'she's too much of a prude,' straight-A student Dana Ferrer enlists the kissing tutorial services of the Good Kissers Inc., made up of the three campus heartthrobs. She chooses notorious Campus King, Andy...