9th Chapter

958K 20.7K 2.9K
                                    

Chapter 9

Tama nga kaya na siya ang piliin ko?

Iyan ang tanong na bumabagabag sa aking isipan. Tama nga kaya talaga? Bakit siya? Bakit nga ba? Pero para kasi sa akin, siya talaga ang pinakamagandang piliin... Hindi ko rin alam kung bakit pero iba kasi ang pakiramdam ko roon sa dalawa. Para bang delikado sila. 

Ay ewan. Maitulog na lang to.

Kinabukasan. Tinawagan ko na si Sara at talagang kailangang kailangan ko ng opinyon niya.

calling... 

BestySara

After a few rings, sa wakas sinagot niya na rin!

"Ang aga aga, nambubulaho. Ano na naman?"

"Is that the way you greet your bestfriend good morning? Well then, good morning, too," sagot ko sa kanya.

"Englishin mo na ang lahat, huwag lang ang bagong gising, dios por santo Dana! What do you need this time?" naiinis na sagot niya. Alam ko naman kasi na hindi morning person si Sara pero kasi kailangan ko talaga ng kausap! 

"Ito naman, ang aga aga galit agad. Ang ganda ganda ng araw, sinisimulan mo ng galit. Smile naman."

"Fine, naka smile na ako. So, what is it this time?"

Tama nga kaya na siya ang piliin ko? Ito pa rin kasi ang nasa isip ko. Halos hindi na nga ako nakatulog kagabi dahil dito. 

"Tulungan mo naman akong humanap ng isusuot mamaya sa date ko with my K.I.(kissing instructor), pretty please?"

"Dana! Wala ka man lang bang namanang fashion sense sa mama mo? For goodness' sake, designer ang nanay mo! Yet you don't know how to dress properly?" pangaral niya sa akin. Palagi na lang niya akong sinasabihan na baduy! Hindi naman ako baduy! Hindi lang talaga ako updated sa fashion dahil mas gusto kong mag-aral kaysa alamin kung ano ba ang uso sa hindi. At saka ang fluid naman kasi ng fashion. Kung ano ang uso ngayon, bukas hindi na. Parang ubos oras kung susundan mo.

"Huwag ka namang sumigaw. Hindi bingi ang kausap mo. And besides, hindi ko namana yun eh. Anong magagawa ko? Tsaka kaya ka nga nandyan to help me, 'di ba?" panunuyo ko sa kanya.

She sighed. "Fine. I'll help you. But you owe me the pink dress that we saw last time, aright?"

"Sus. Yun lang pala. My credit card could do it."

"Psh. Rich Kid. Anyway, hindi na ako makakapunta diyan dahil may project akong gagawin mamaya."

"Paano ako?" nag-aalala na sabi ko. Kahit naman hindi ako aware sa fashion, I still wanted to make good impression! Nakakapagod ng laitin ng mga tao sa paligid mo!

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon