Chapter 41
December 23, 2010
*alarm clock*
Argh! Ang aga aga eh
Pinatay ko yung alarm clock. Letse naman. Puyat na puyat ako kagabi tapos magigising ako ng maaga?Quote
*flash back*
Kuya mo yun?
Oo
Gwapo ah naglalandi na naman ako
Tss. Nakakita ka lang ng gwapo, nagtu twinkle na yang mata mo
Tapos tumayo na siya
Hoy! Hindi pa tapos yung kissing lesson natin
Tapusin mo na yang pinasasagutan ko sa'yo at ng makauwi ka na
Beevee @__@
Playtime's over, Dana
Mukhang galit nga siya kaya nagsagot na ako ulit
Believe it or not, 11 p.m. na kaming natapos, hindi niya ako pinauwi hangga't hindi ko naiitindihan ang bawat detalye nung tinuturo niya. Akala ko matalino na ako, hindi pa pala. T___T
Teka, teka, teka, hindi ko natatandaan na sinet ko yung alarm clock ko.
ASDFGHJKL!!
Lumabas ako ng kwarto para sermunan si Sara tungkol sa pangingielam niya ng alarm clock ng may alarm clock
Sara----
Good morning ^___^
Bak-Pa- Bakit ka nandito? Paano ka nakapasok?
Kumain ka muna. Mamaya ko sasagutin yung tanong mo
Tapos pinaupo niya ako at hinainan ng egg, bacon, fried rice at hot chocolate
Ano to? Suhol? Kung iniisip mong mapapatawad kita sa ginawa mong pagpapahirap sa utak ko, nagkakamali ka--
Bigla niya akong sinubuan ng isang kutsarang punung puno ng kanin. Spell harsh T___T
Tumahimik ka muna, kahit ngayong umaga lang?
Bokit bo kosi ang ogo ogo nandito ko?
Sinabi ko habang nginunguya yung sinubo niya sa akin
Manners naman oh? Mamaya ka na magsalita
Ok fine. Tss
At yun nga, kinain ko na yung niluto niya. Kung totoo man ang sabi sabi na"The best way to a woman's heart is through her stomach," ma iin love na ata talaga ako sa kanya T___T ang harot ko
After kong kumain
Tapos na akong kumain, ano na? Bakit ka ba nandito?
May binigay siya sa aking paper bag
Oh. Maligo ka tapos suotin mo yan.
Ang weird mo, alam mo yun?
Tss. Ang dami mong alam, magbihis ka na lang
Oo na. Oo na
Tapos nun, naligo na nga ako. Ang beevee niya T___T
Naligo ako ng twenty minutes. Tss. Ginising niya ako ng pagka aga aga, imaging, 6:00 pa lang, eh ngayon lang ang rest day ko T___T
Pagkatapos kong maligo, tinignan ko na yung damit na binigay niya sa akin. Napa ako
Ano 'to? White shirt with red stain?
Sinuot ko na with denim shorts and sneakers. Geez. Ang weird niya. Nasaan na yung masungit na Cyriel? T___T
Paglabas ko, nakita kong naka ganun din siya
Ano tayo? Twins?
Tss. Ang dami mong tanong. Tara na nga
Bumaba kami, hinahanap ko yung volvo niya pero wala akong makita
Cyriel, nasan na yung volvo mo?
Iniwan ko
Ha? Paano tayo aalis?
Magco commute. Tss, parang hindi ka sanay magcommute
T___T Huwag mo namang ipaalalang hindi ako marunong magdrive
Ang sama ng ugali mo
Tapos tumakbo ako papunta sa bus stop
Bleeh Mauna na ako sa'yo
Sumakay na ako sa bus. Darn. Madaming tao. Christmas break kaya, peo bakit madaming tao? Ang weird
Anyways, nakita kong nakasakay na si Cyriel sa bus. Hindi nga lang katabi ko kasi masyadong masikip na sa bus
Habang bumi byahe, pinagmasdan ko yung mga taong nasa bus..
Mama, mahirap po bang ma in love?
Anak, hindi mahirap ma in love, mahirap magka boyfriend..
In love na po kasi..... Ako, hindi ko naman inaasahan na maiin love ako, bigla na lang pong pagka kita ko, in love na pala ako sa kanya
Natawa ako sa bata, grabe, mukhang grade 2 pa lang yun ah. Ang buhay nga naman..
May lalaki, babae, lalaki na nakaupo dun sa pangtatluhan na upuan
Babe, mahal na mahal kita
Mahal na mahal din kita
Ang swerte ko talaga sa'yo, di ba bro?
Ah-oo
Grabe, babae na pala ang nanloloko ngayon? Kung tinatanong niyo kung bakit ko nasabi, ganito kasi yun. Habang nag uusap yung magboyfriend at nagsasabihan ng i love you, magkaholding hands yung isa pang lalaki at babae, i suppose, magkapatid yung dalawang lalaki
Tama nga ang kasabihan, "Blood is thicker than water, but Love is thicker than Blood"
Natapos na yung byahe ng hindi ko namamalayan, hindi ko din namalayan, katabi ko na pala si Cyriel. May binulong siya sa tenga ko na kumiliti sa akin
Ngayong araw na 'to, pagma may ari mo ako
Omo!! Somebody help us. Sinasapian si Cyriel T___T
Pagbaba namin
Anong gagawin natin sa amusement park?
Sasakay sa rides, alam mo namang magshopping?
Tss. Akala ko ba ako ang masusunod ngayon?
Oo na.
Tapos naglakas ako. Pero hinatak niya ako
Dito ka lang sa tabi ko, sa right side ko
Tss. Anong meron sa left at right? Ang weird mo
Bahala ka, basta dito ka lang sa kanan ko
Naglalakad kami tapos pinagtinginan kami ng mga tao
Bagay na bagay sila noh?
Oo nga. Ang sweet sweet ng lalaki. Naka couple tee pa sila
Couple tee? What the heck?
Tinignan ko yung suot ko, wala namang nakalagay na I Love Him or Her or whatsoever na ganun. Kinuha ko yung iPhone ko tapos binigay ko sa babaeng nagtitinda dun
Ate, pakikuhaan kami?
Hoy! Lalaki! Tumalikod ka nga!
Tapos tumalikod kaming dalawa. Tapos inakbayan niya ako
Mas maganda pag inakbayan kita. ^___^
After magpa picture, kinuha ko na yung cellphone ko. Eto lang naman ang nakita ko sa picture
WTH? Kailan ka pa naging cheesy?
Ngayon lang, ngayong birthday mo lang..
Birthday ko? December 22 pa lang ah?
December 23 na, Miss Ferrer. Late ang mga calendar mo sa bahay. 18 years old ka na..
My God. Hindi ko alam T___T Bakit hindi mo sinabi? Bakit nandito ako? Dapat nasa bahay ako kasama ang family ko, pero anong ginagawa ko? Nandito ako ngayon, kasama ang isang lalaking sinapian ng makesong espiritu---
He kissed me
Happy 18th Birthday, Dana. Huwag kang magtaka kung bakit walang nakaalala ng birthday mo. Binlock ko lahat ng text at tawag mo, today, you're all mine
Ano pa bang magagawa ko? I guess, i'm stucked with you
You got it right. Madami pa tayong gagawin, tara na?
Madami nga kaming ginawa, sinakyan namin lahat ng rides na makakaya naming sakyan, from roller coaster to bump car, lahat sinakyan namin.
At pang finale,
Pasok tayo sa gabi ng lagim?
Sure ka?
Oo. Tara na ^___^
Pumasok kami sa gabi ng lagim. Nung nasa loob na kami,
Happy Birthday again, Dana Kathryn Ferrer. Ayokong bumili ng regalo dahil hindi ka naman materialistic, kaya pinili ko na lang na makasama ka buong araw. A memory that we can both treasure forever
And we ended my birthday with a kiss..------------------
BINABASA MO ANG
For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)
Teen FictionAfter being dumped by her boyfriend because 'she's too much of a prude,' straight-A student Dana Ferrer enlists the kissing tutorial services of the Good Kissers Inc., made up of the three campus heartthrobs. She chooses notorious Campus King, Andy...