19th Chapter

692K 16.9K 4.3K
                                    

Chapter 19

"Okay lang ako. Eto naman, masyadong concerned," I said.

"Okay ka lang? Tignan mo nga 'yang braso mo, puro galos. Tara, dadalhin kita sa clinic para magamot 'yang mga sugat mo," he told me.

"Huwag na. Hindi naman masyadong masakit. Isa pa, malayo naman 'to sa bituka," I said.

"Hindi naman masama kung aamin ka na masakit na. Kaya nga nandito ako para alalayan ka kapag hindi mo na kaya," sabi niya.

"Salamat. Pero okay lang talaga ako. Huwag ka ng mag-alala."

Hindi naman niya pinakinggan yung sinabi ko, bigla na lang siyang umalis. Naiwan akong mag isa dito. Bakit kaya siya ganun? Minsan ang bait bait niya sa akin. Minsan naman ang sungit-sungit niya. Kapag magkasama kaming apat, ako, si Andy, si Dave at siya, parati niya akong dinedeadma, sinusungitan. Pero kapag kaming dalawa lang, ang bait-bait niya sa akin. Haay, Cyriel, ano ba talaga?

Naputol iyong pag-iisip-isip ko nung bumalik na si Cyriel

"Bakit may dala kang first aid kit?" tanong ko.

"Para saan ba ang first aid kit? Para panggamot 'di ba?" The usual Cyriel.

"Ang sungit sungit talaga nito. Ako na nga 'yung may sugat, sinusungitan mo pa ako," sabi ko.

"Kakasabi mo lang kanina na hindi masakit, tapos ngayon nag-iinarte ka. Baliw ka ba?" tanong niya.

"Tss. PMS ka talaga." Tapos nag-pout ako.

Huwag ka ngang gumanyan, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko...

"May sinasabi ka?" tanong ko.

"Wala, umupo ka ng maayos, gagamutin ko 'yung sugat mo," sabi niya.

Umupo na nga ako ng maayos. Ginagamot ni Cyriel yung sugat ko. Bakit ganun? Parang thankful pa ako kay Ynna dahil sinaktan niya ako. Atleast dahil doon nandito ako ngayon, ginagamot ni Cyriel.

"Aray naman. Masakit ha. Hindi ka nag-iingat," sabi ko sa kanya.

"Sorry. Hindi kasi ako marunong gumamot ng sugat. First time ko lang 'to. Mag-iingat na ako sa susunod," he said.

Huweh. Ako yung unang babaeng ginamot niya? Ang swerte ko naman. Este, malas. Pinagpraktisan niya pa ako.

"Cyriel..."

"Hmm?"

"Hindi mo man lang ba itatanong kung saan ko nakuha 'yung sugat ko?" I asked him.

"Hindi na," he answered.

"Bakit naman? Hindi ka ba interesado kung sino ang gumawa sa akin nito?" I asked.

"Hindi."

"Sabi ko na nga ba eh. Wala ka naman talagang pakielam sa'kin. Sige aalis na ako. Salamat na lang sa paggamot sa sugat ko," I said.

Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Hindi mo ba itatanong sa akin kung bakit?" he asked.

"Bakit ko pa itatanong? Mamaya masaktan pa ako sa isasagot mo. Kaya 'wag na lang"

"Hindi lahat ng sinasabi ng tao, iyon ang totoo nilang nararamdaman. Minsan kailangan mong alamin yung tunay nilang dahilan para malaman mo 'yung tunay nilang nararamdaman," he said.

Seriously, wala akong masyadong naintindihan sa sinabi niya.

"Ang mysterious mo talaga." Ngumiti na naman siya. Oh God, ano ba talaga ang gusto mong ipahiwatig?

"Ngiti ngiti ka diyan. Sige na nga, tatanungin na kita. Bakit hindi ang sagot mo?" I finally asked him.

"Hindi ko na pag-aaksayahan ng panahong alamin kung sino ang nanakit sa iyo. Wala namang magbabago kapag nalaman ko kung sino iyon. Kahit na malaman ko kung sino siya, hindi magbabago 'yung katotohanan na nasaktan ka na niya. Kaya ang gagawin ko na lang, aalagaan kita at babantayan para sa ganon, hindi ka na niya masaktan," he explained.

Speechless ako. Ano ba kasi ang gusto mo Cyriel?

"Oh bakit ganyan ang itsura mo? Tapos na ako. Pasensya na kung hindi ako magaling maglinis ng sugat. Next time babawi ako," he said.

"Anong next time babawi ka? Gusto mo masaktan ulit ako?" I asked.

"Syempre, hindi. Ikaw talaga." Tapos, pinat niya yung ulo ko. Yung parang ginagawa ni Shin Woo kay Mi Nam. "Tara, hatid na kita sa condo mo."

"May pasok pa ako eh," I told him.

"Umuwi ka na. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa professor mo," he said.

"Eh paano ka? Ihahatid mo ako 'di ba? Eh may klase ka pa ah?" I questioned him.

"Okay lang. Huwag mo akong alalahanin," he said.

"Huwag mo akong sisisihin 'pag bumagsak ka ha?"

"Oo. Huwag kang mag-alala. Tara na."

Tapos, inalalayan niya ako papunta sa parking lot ng school. Pinagtitinginan kami dahil naka-akbay ako kay Cyriel, medyo nahihirapan kasi akong maglakad dahil nadaganan yata ni Ynna yung paa ko. Hindi na ako magugulat kung kakalat sa school bukas na two-timer ako. Dahil boyfriend ko si Andy tapos naka-akbay ako kay Cyriel. Mga tao naman kasi, nagkakalat ng balita ng hindi naman alam 'yung katotohanan. Mga malisyoso ang utak.

"Cyriel, pinagtitinginan tayo. Bitawan mo na ako. Maglalakad na lang akong mag-isa," I told him.

"Huwag mong isipin ang sasabihin ng iba. Alam mo naman kung anong totoo 'di ba?" he said.

"Oo," I answered. "Tinutulungan mo lang naman ako eh."

"'Yun naman pala eh. Unless nilalagyan mo ng malisya yung ginagawa ko?" Then he smirked. Parang si Andy lang ah.

"Asa ka, dude."

At nakarating na nga kami sa Volvo niya. Ang yaman talaga nito.

Hinatid na niya ako. This time hindi na ako nakatulog. Pagdating namin sa condo ko. "Hatid kita sa unit mo?"

"Huwag na. Kaya ko na 'to. Salamat ng madaming madami."

"Babayaran mo din ako," sagot niya.

"Ano naman ang kapalit?" tanong ko.

"Malalaman mo din... Someday..." he answered.

"Sige. Salamat ulit. Baba na ako. Ingat sa pagda-drive," paalam ko sa kanya.

Umalis na siya. 

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon