20th Chapter

748K 16.9K 3.5K
                                    

Chapter 20

Naguguluhan na naman ako kay Cyriel. Ang gulo niya, sa totoo lang. Alam mo 'yung parang nag-iiba 'yung ugali niya? May split personality ata 'yun eh. 'Yung isa, 'yung lalaking masungit at bugnutin, 'yung isa naman niyang katauhan, 'yung sweet at mabait. Hay, sino ba talaga ang totoong Cyriel? Gulong-gulo na ang isip ko.

Cyriel, sino ka ba talaga?

'Yan ang iniisip ko bago ako makatulog kagabi. Masyadong nag-iisip ang utak ko tungkol sa bagay na iyan. Kaya minabuti kong itigil na ang pag-iisip. Sabi nga ni Cyriel, someday. Balang araw malalaman ko din ang kasagutan sa tanong kong ito.

Umaga na naman, papasok na naman ako sa school ko. Kahit medyo masakit pa ang katawan ko dahil sa mga kalmot ni Ynna, kailangan kong pumasok. Nag-cutting class na nga ako kahapon, 'di ko ma-afford na umabsent pa ngayon.

Pumasok na nga ako papuntang school. Isang hindi magandang eksena ang inabutan ko.

Napatakbo na lang ako papunta dun.

"Ano? Kanina pa kita tinatanong. Ano bang dahilan mo?" Andy asked Ynna.

"Andy, anong nangyayari dito?" I asked him.

"Tinatanong ko lang naman 'tong babaeng 'to kung anong dahilan niya kung bakit ka niya sinaktan kahapon. Humarap ulit siya kay Ynna. "Ano ba? Bakit ayaw mong sumagot? Ang lakas-lakas ng loob mong saktan si Dana tapos ayaw mong sagutin yung tanong ko!" Andy asked her, angrily.

"Andy, tama na. Tapos na eh. Kalimutan na natin 'yun," I told him.

"Anong kalimutan? Tignan mo nga 'yang itsura mo. Puro galos iyang braso mo tapos iika-ika ka pang maglakad, 'yun ba ang ayos?" he answered.

Hindi na ako sumagot. Wala namang mangyayari eh. Halatang galit na galit si Andy sa nangyari kahapon. Naawa ako kay Ynna.

"Pinagtatanggol lang naman kita, Andrei..." Ynna finally said.

"Ako? Pinagtanggol mo? Bakit? Ano bang ginawa ni Dana para ipagtanggol mo ako sa kanya?" Andy retorted.

"Ginagamit ka lang niya, Andrei. Si Jarred pa din ang mahal niya. Hindi ka niya mahal," she told her.

"Ano bang pakielam mo sa aming dalawa? Kung ginagamit lang niya ako, wala ka ng pakielam dun. Kagustuhan ko 'yun kaya wala kang pakielam."

"Pero, ano bang nagustuhan mo sa babaeng 'yan?"

"Lahat. Lahat ng mayroon siya, gusto ko."

"Kahit ginagamit ka lang niya?" she asked.

"Bakit ba paulit-ulit ka na ginagamit lang niya ako? May pruweba ka ba? Kung wala, manahimik ka na lang diyan."

"Fine. Wala akong pruweba ngayon, pero hahanap ako," Ynna hissed. "At 'pag nakahanap ako, papatunayan ko sa'yong manggagamit iyang babaeng 'yan."

"Gawin mo lahat ng gusto mo. Pero huwag kang magkakamaling saktan si Dana, kakalimutan kong babae ka at baka kung ano ang magawa ko sa'yo," Andy sai.d

Mukhang natakot naman si Ynna sa ginawa ni Andy. Kahit naman ako natakot din sa ginawa niya. Mukhang seryoso si Ynna na maghahanap siya ng ebidensya. Bahala siya. Ang kulit naman kasi eh, ilang beses ko ng sinabing wala na na akong pakielam sa kanilang dalawa, ipinagpipilitan pa rin niya. Psycho ata yung babaeng 'yun eh.

"Salamat?"

"Bakit ka nagpapasalamat?" he asked.

"Dahil pinagtanggol mo ako?" I answered, hesitantly.

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon