(MTMB) 22 "The Accident"

1.7K 42 17
                                    

Hailey's POV

After that confrontation with Nik, andito ako sa bahay ngayon ayoko pumasok wala akong gana ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, tapos ang sakit sakit pa ng puso ko. Oo masakit dahil alam ko na sa sarili ko na gusto ko na si Nik, mahal ko nga yata siya kaya ganito yung effect sakin ngayon ganito rin yung naramdaman ko nung nawala si Eli, pero ayoko na ulit maalala pa yon' basta nagdecide na ako ngayon na hindi ako papasok ayoko rin muna makita si Nik naalala ko parin at nararamdaman ko parin kasi yung halik niya sakin kahapon hindi maalis sa isip ko yung naramdaman ko non. Humiga na ulit ako sa kama ko at kinuha ang cellphone ko wala lang para lang hindi ako ma-bored dito sa bahay, when i was about to keep my cellphone a message suddenly pop-up galing kay Kai.

From:Kai
Hey? are you okay?papasok ka ba ngayon?

Biglang kumunot yung noo ko, hindi naman niya siguro nakita yung nangyari kahapon di ba? mas pinili ko na lang na hindi na magreply sa text niya ng biglang ang tatlo ko kaibigan nagtext rin kaparehas lang ng text sakin ni Kai hindi ko na lang inintindi, alam ko naman eh ayoko ng magexpect na itetext ako ni Nik pagkatapos ng nangyari kahapon.

Kai's POV

Ssbihin niyo ng tsismoso ako o eavesdrop ako pero hindi ko naman sinasadyang marinig at makita yung pag-uusap ni Nik at ni Hailey kahapon, tyempo lang talagang andun ako sa park ng oras na yon' at nakahiga sa ilalim ng puno malayo ng konti sa kanila pero dahil tahimik kitang-kita ko sila at rinig ko rin ang pag-uusap nila. Kahit anong isip ang gawin ko hindi ko talaga maisip na biglang nagbago si Nik kay Hailey ng ganon kadali yung tagpong mag nakapagpaisip sakin ay nung halikan ni Nik si Hailey ng ganon, nagulat ako hindi dahil sa hindi pa ako nakakahalik pero non ko lang nakita na maging ganon si Nik sa isang babae hindi ko talaga maisip kung anong dahilan ang itinatago niya at kailangan pang madamay si Hailey don, pero sa ngayon mas kailangan ako ni Hailey sa tabi niya bilang kaibigan niya oo gusto ko siya matagal na, pero mas pinili ko itago na lang iyon sa ngayon sasamantalahin ko na yung pagkakataon ko na to' nagbihis na ako at pupunta ako ngayon school dahil ngayon na yung game match namin ni Nik, kapag hindi siya pumunta isang lang ibig sabihin panalo ako sa usapan namin.

"Tss! Niklaus Mikaelson may the best man wins"

Hailey's POV

Tinawagan ako ng mga BFF's ko pumasok daw ako ngayon at may importante daw event sa school ngayon pero hindi naman ako updated kaya kahit ayoko napilitan na rin ako pumasok at andito na nga ako sa school ngayon kasama ang 3 ko kaibigan papunta na kami sa room namin ngayon ng biglang, magtilian yung mga babae sa harapan namin at nagtatakbo sila na akala mo nakakita ng artista.

"Anong nangyayari?" kunot-noo ko tanong sa kanila.

"Hindi mo alam?"

"Ano ba naman yan!?"

"e?hindi nga ano ba kasing nangyayari?anong meron?kung hindi nyo sasabihin pupunta na lang ako sa room bahala kayo dyan!"

Aakyat na sana ako ng hagdan ng biglang may humarang sa daan ko, at itulak ako.

"Well, well! Ikaw pala si Hailey tss! anong nagustuhan sa'yo ni Nik?e wala ka naman kadating dating?hindi ka naman sexy?" speaking of the devil si Asha, gulat kayo noh?kasi ngayon lang siya nag-appear dito e kasi naman suapended lang naman siya dahil sa ginawa niyang pakikipag-away sa mga na-lilink kay Nik at isa na ko sa susunod niya target ngayon akala ko pa naman ipagtatanggol ako ng mga friends ko yun'naman pala wala na sila sa likod ko nawala na lang na parang bula.

"Pwede ba?ayoko na gulo!" tinabig ko siya pero hinila niya yung buhok ko.

"Hey?! hindi pa tayo tapos wag mo ko' talikuran!"

Marrying The Mafia BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon