CHAPTER 11

154 11 5
                                    

ANGEL' POV.

“Angel.”

“Patrick.” Sabi ko tapos naupo si patrick sa tabi ko at inabutan nya ko ng panyo.

diba sabi ko babawiin kita sa kanya kapag sinaktan ka nya?” Sabi nya.

Wala ako sa mood makipag biruan sayo patrick.”

“Seryoso naman ako eh.”

“Alam mo bang ikaw ang dahilan ng pag aaway namin ni Cav ngayon? Nasampal ko sya kanina dahil lang sa maliit na bagay na narinig nya satin. Narinig nya tayong nag uusap kahapon dito sa garden.”

“Oh tapos?”

“Anong oh tapos?! Nag away nga kami patrick! Nag away kami.” inis na sabi ko.

Alam mo kung bakit?”Sagot nya.

Oonga. Dahil nga sa narinig nya sakin kahapon na ginawa ko lang syang panakipbutas.”

“Hindi yun dun Angel.”

“Anong hindi dun?! Eh dun nga y----”

“Wala syang tiwala sayo. Yun yun!” Sagot nya napatahimik ako. May punto si patrick wala saking tiwala si Cav hindi manlang nya pinakinggan yung explain ko dun lang sya naniwala sa mga narinig nya .

Oh diba? Tama ako. Kunin na kaya kita sa kanya?” hinampas ko ng mahina si patrick sa balikat nya nakukuha pa nyang magbiro ng ganun problemado na nga ako eh.

Wag ka nga. Tapos na tayo.” Sabi ko bigla naman syang napatahimik at tumungo. Uh-oh. Nasaktan ko ba sya_?

Masakit padin pala kapag ikaw ang nagsabi.” Sabi nya tapos tumingin sya sa ulap. “Uulan na. Tara na hatid na kita sa inyo.” Prisinta nya at dahil wala ako sa mood mag drive ng kotse ko nagpahatid nalang din ako kay patrick.

Nandito na tayo. Gising kana Angel.” Yugyug sakin patrick. Nakatulog pala ako sobrang bigat kasi ng mata ko kanina pa.


Sorry. Nakatulog ako salamat sa paghatid.” Sabi ko akmang bubuksan na yung pinto ng kotse.

Uhm.. angel?" sabat ni Patrick.

Hmm?”

Pwede bang maging mag kaibigan nalang tayo?”

“Patrick alam mo namang---”

“I know were over. Alam ko ding may boyfriend kana ayoko lang iwasan at kalimutan ka naging malaking parte ka ng buhay ko Angel kaya kung hindi mo mamasamain sana maging magkaibigan ulit tayo.”


“Hindi ka makakamove-on nyan sa ginagawa mo. Papahirapan mo lang sarili mo.”

“Mas mahihirapan ako pag tuluyan tayong nagkalayo. Kaya please?’’

“Patrick naman...”

“kakausapin ko si Cav. Tungkol sa narinig nya kahapon aayusin ko kung bakit kayo nag away pumayag kalang.”

Hays. Matitiis ba kita patrick? Minahal kita ano paba? Para kay Cav gagawin ko to.

Fine. Sige friends.” Sabi ko tapos bigla nya kong niyakap. “Ehem! Friends patrick. Walang yakap yakap na ganyan.” Natatawa kong sabi.


Ay. Sorry nadala lang sa emosyon. Hehe.” Nahihiya nyang sabi tapos bumaba na ko ng kotse nya at pinaandar na nya yung kotse nya paalis.

CHICSER AND USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon