Owy's POV.
Wengya naman! Nagkaron pa nga ako ng 100. -,-
Naknang naman kasi! May tatlong lalaki na nasunod pala samin ni Charish simula umalis kami ng bahay at sa pagkakatanda ko mga tauhan sila ni mom at dad.Napailing nalang ako ng makumpirma ko sa utak ang plano nila mom at dad nagpasunod sila samin ng mga Alipores nila para bantayan kami kung nagkakamabutihan naba kami ni Charish. Tsk kahit kailan talaga wala saking tiwala si dad.
"Babe. What's bothering you? Kanina kapa. Parang ang laki laki ng problema mo." Kung alam mo lang babe. Nagkaka problema din ang gwapo na kagaya ko hindi lang halata.
"Huh? Wala naman." Tanga kong sagot. Nahihiya pa ako kay Angelica Wengya naman kasi. Bakit ba pinigilan ko si Charish kanina? Sa harapan pa nila kuya at Ange. Bobong owy!
"Bakit mo pala pinigilan si Cha kanina Babe?" Yun oh. -,- nanadya talaga. Bakit nga ba? Kasi nga. May sumusunod samin para bantayan kami.
"Hehe Alamona. Loko loko yung si kuya. Ayaw ko lang na mapahamak yang bestfriend mo." Packing tape! Nagsisinungaling ako sa Babe ko. Shit naman!
"Ahh. Akala ko naman kung ano na. Hehe Hayaan mo sila eh mas lalaki pa nga ata yang si Cha kay Ver." Sabagay. Amazona nga pala yang si Cha. Pero Grr! Hindi yun ang dahilan.
"Ah. Sabagay." Sabi ko nalang. Takte naman! Nasan naba yung walang kwentang prof namin? Ayoko sa topic namin ni Ange baka madulas ako sakanya nito.
"Ay. Babe! San pala tayo mag La-Lunch mamaya? May alam akong maganda Fast food chain. Bagong bukas sya. Ano dun tayo later?" Sige ba! Matatanggihan ba kita? Eh alam mo namang mahal na mahal kita.
Syempre sa isip ko lang yan. Kasi in reality.
"Sorry babe pero may Lakad kami ni Kuya ngayon eh. Importante yun. Next time okay lang?." Oh shit! Nalungkot nanaman sya. Nahihirapan ako pero kailangan kong dumistansya kay Ange at kausapin maigi si Charish.
"Okay." Matamlay nyang sabi. Damn! Ayokong nakikitang malungkot si Ange kaya naman tumingin tingin ako sa paligid. Bukod sa mga babae na kuha ng kuha ng picture sa gwapo kong mukha wala na yung tatlong lalaki na nagbabantay sakin.....Baka si Charish na sinusundan nila ngayon. Kinuha ko agad ang phone ko at tinext si Charish pagkatext ko sakanya umakbay agad ako kay Angelica.
At sinandal ko yung ulo ko sa Balikat nya.
"Babe sorry po. Promise! Babawi ako next time ha? May pupuntahan lang kami ni kuya. Ha?" Mukha akong bakla sa ginagawa ko naka pout at puppy eyes ako. Sana lang umubra.
"Babeee. Sorry na. Iloveyou." Pagkasabi ko nun tilian na mga tao sa paligid namin at nung makita ko mukha ni Angelica nag bblush na sya. Napangiti ako. Shet! Walang kupas ang kagwapuhan ko.
"Please Babe." Tuloy ko pa hindi pa kasi sya nagsasalita.
"Hay. Owy! Oo na. Oo na! Basta bumawi ka next time ah." Yun oh. Mabilis ko syang niyakap at kiniss sa cheeks. At ano pa nga bang? Next nyan. Edi hinampas ako sa braso ni Angelica. Okay lang! Mahal ko naman to eh.
"Loko ka talaga. Tingnan mo nagtitilian mga classmates natin." Sabi nya sabay turo sa mga classmates namin
"Bagay daw kasi tayo." Banat ko pa.
"Tse. Oo na!" Natatawang sabi ni Ange. Ang cute talagang nitong Girlfriend ko. :)
----
angel's POV.
Galit at umiiyak akong lumabas ng room. Walangya kang Cav ka! Napaka manloloko mo! Sinungaling ka. Curse you!Curse you!
"Angel?"
BINABASA MO ANG
CHICSER AND US
Teen FictionMasungit,Tahimik,Walang pakialam,Masama ang ugali,Lahat ng gusto nya nasusunod yan ang ugali ni Oliver Lance Posadas. Pano nalang kung makatagpo sya ng babae na sobrang salungat sa pag uugali na meron sya? -ice