Angel POV.
Nakakainis naman yang si Cav hindi nanaman ako pumasok ng school kasi naman wala din sya. Nakakainis na yun masyado ng pahard to get.
“Hehe... Hi kuyang guard.” sabi ko kay manong remember yung guard nila Cav. Nandito na kasi ako sa bahay nila Si manong naman parang takang taka pa na nandito ako.
“Ay. Miss Angel kayo ho pala. Ano hong ginagawa nyo nandito bakit nandito ho kayo?” Tingnan mo nga naman si manong ayaw pa atang nandito ako. Eh sino pabang pinupuntahan ko dito. Si Cav lang naman tsk.
“Hehe Yun nga po manong eh kaya ho ako nandito kasi po si Cav hindi nanaman po sya pumasok ngayon sa school. Yung cav na yun talaga.”
“Po? Si Sir Cav po nasa airport na mam.”
“Huh? Pinagloloko nyo po ba ako manong? Sabi ko po hindi po pumasok sa school si Cav anlayo naman po ng sagot nyo. Ano naman pong gagawin nya dun?”
“Hala. Mam si sir Cav po kasi pupunta na ngayon Newyork. Pinapapunta po sya ng dad nya dun akala ko po hinatid nyo sya kanina sa airport. Kaya po ako nagtataka kung bakit ho nandito kayo.”
Parang naka record yung sinabi ni manong sakin na umalis na si Cav. Paulit ulit syang nag eecho sa utak ko hanggang sa mag sink in sakin na umalis na sya... Ba..bakit sya umalis? Iniwan nya na ko? Naramdaman ko na umiiyak na pala ako. Ganon ko ba sya nasaktan para umalis pa sya? Hindi eh. Pinapatawag nga daw sya ng dad nya dun.
“Hala. Mam angel. Wag po kayo umiiyak sa harapan ko baka po sabihin sakin ng makakakita satin pinapaiyak po kita. Malaman pa po ni sir Cav sesantehin pa po ako nun sa trabaho ko. Mahal na mahal ka pa naman po ni sir.” Napangiti ako pero hindi sa saya. Sa bitte at lungkot. Mahal daw ako ni Cav eh bakit nya ko iniwan mag isa dito?! Kasinungalingan! Pinahidan ko na ang luha ko.
“Anong oras po sya umalis manong?”
“kanina pa pong 7:00 A.M ng umaga. Nagtext po sya kanina kay ate Luz(Yaya ni Cav)na nakaalis na po yung flight nya.” lalo akong nanlumo sa narinig ko. Wala na talaga sya. Tumulo nanaman ang luha ko. Alam ba ng chicser to na umalis sila Cav? Papasok paba ako? Hahabulin ko ba si Cav? Waaah!
“S..sige po manong. Aalis na po ako salamat po sa impormasyon.” dalidali akong tumakbo papunta sa kotse ko at nagdrive lang ng drive hanggang sa napadpad ako sa ice cream shop. Bakit ako nandito? Dito kami nakain ng ice cream lagi nila Jestin,Cha ako at Christian. Umupo ako sa may table at umorder ng ice cream yung pinakamahal ibig sabihin non. Bongga! Masarap. Gusto ko munang magpalamig ng ulo. Pakiramdam ko kasi sasabog na ko sa lungkot at inis. Lungkot kasi iniwan ako ni Cav inis kasi hindi manlang sya nagpaalam sakin. Dumating na yung ice cream saglit ko yung pinagmasdan kasi naalala ko nanaman si Christian madami kaming Happy memories sa ice cream na ganto.
“Napunta ka padin pala dito.”
“I..ikaw pala. B..bakit ka nandito?” Sagot ko tapos naupo sya sa unahan ng table. Bale magkaharap na kami.
“Miss. one bubble gum Flavor please.” Sabi nya at sa tauhan dito at humarap sakin. “Bakit ka nandito?” Tanong nya sakin.
“Wala lang gusto ko lang mag ice cream. Nakakamiss ice cream dito eh. Ikaw bakit ka nandito?” I lied namimiss ko lang ang memories namin dito. Mali atang pumunta pa ko dito Pumunta kasi ako dito para makapag relax at wag muna isiping iniwan ako ng walangyang Cav na yan. Pero mali pa. Nadadagdagan lalo yung sakit pag naalala ko yung past namin ni Christian dito. Tama bang hindi na ulit naging pa? Nasaktan ko sya.. Tingnan mo ko ngayon nasasaktan din ako sa pagpili ko kay Cav.
BINABASA MO ANG
CHICSER AND US
Ficțiune adolescențiMasungit,Tahimik,Walang pakialam,Masama ang ugali,Lahat ng gusto nya nasusunod yan ang ugali ni Oliver Lance Posadas. Pano nalang kung makatagpo sya ng babae na sobrang salungat sa pag uugali na meron sya? -ice