Kabanata 2

8.3K 71 1
                                        

Erika's POV

Niyakap ko ang larawan ng Ama.Tulalang nakatingin sa kawalan.Namumugto na ang mata ko sa kakaiyak at wala na akong mailuha pa.

"Condolence."

Tumatango lang ako sa mga taong kapag sinasabi ang katagang yan.Kung pwede nga lang ay sabihin niyang wag sabihin ang salitang yan,bumabalik sa kanya ang nangyari ng araw na yun.Uminit ang gilid ng mata ko.

"Magpahinga ka muna,hija."

Niyakap siya ng tiyahin.Hindi ako natinag,hinayaan itong yakapin ako.Awang-awang pinagmasdan niya ako,hinaplos ang buhok ko.Mugto din ang mata nito dahil sa pag-iyak at bakas ang pagod sa mukha nito.

"Mula ng ihimlay si dante,hindi ka pa natutulog.Matulog ka muna,kame na muna bahala dito,Hmm?"


Umiling ako."Paano ako makakatulog kung sa bawat pagpikit ng mata ko ay buong masakit na nangyari ang nakikita ko,tita?Masakit."

Suminghot ang tiyahin at muli akong niyakap.Napapikit ako at napayakap pabalik sa kanya.

"Napakabata mo pa para madaraanan ang ganito,Erika,kung nabubuhay man si Dante,nanainisin niyang na hindi mo madaraanan ang ganito."mas lalong humigpit ang yakap nito sa kanya.Kung pwede lang sana mapawi ng yakap ang sakit na nararamdaman niya ngayon,ay kanina pa sana napawi,pero sino ba ang niloloko niya?Ang sarili pa rin.

Tatlong araw na ang lumipas ng ilibing nila si Tatay.Muli kong ginala ang paningin sa loob ng bahay nila partikular sa Isang sulok ng bahay nila.Pumatak ang luha ko.

"Tatay,patawarin mo ako kung wala akong nagawa para iligtas ka.Masakit na masakit pa rin dito."tinuro ko ang tapat ng puso."Anong gagawin ko,tay?Hanggang ngayon hindi pa rin nagigising si Nanay.Hindi ko na po alam ng gagawin ko.Si Nanay na lang ang nagbibigay ng lakas sa'kin para mabuhay.Sana...sana po nandito po kayo."Napahagulhol siya ng iyak.Alam kong magiging okay din ang lahat,magising lang si Nanay.

"Sa bahay ka muna namin titira,Hija.Alam kong hindi ka sanay sa buhay bukid pero gagawin lahat ni tita ang makakaya,okay?"

Tumango ako.Bitbit ang dalawang malaking maleta na nalalaman ng mga damit nila ni Nanay ay muli niyang sinulyapan ang bahay nila sa huling beses.

"Ako na yan."kinuha nito ang isang maletang hawak ko at binigay sa helper para iakyat na sa truck."Sumakay ka na."

Sumakay ako sa unahan,katabi ang driver at sumakay na din si Tita sa tabi ko.Mahigpit na niyakap ko ang backpack ko.Nginitian muna ako ni Tita becky bago sinabihan ang driver na aalis na kame.12 hours ang biyahe patungong Salvacion kung saan nakatira ang pamilya ni Tita Becky.Sa buong biyahe ay hindi ako nakatulog,humihinto sila kapag mamdadaanan na tindahan o palengke para bumili ng pagkain o kailangan nila gumamit ng banyo.

"Here."

Inabot ko ang isang supot galing kay tita at binuksan iyon.Sandwich at isang mineral water ang nakita ko.Umusal ako ng isang salamat na ngiti ang ginanti nito.

"Kainin mo na yan.At ako'y iidlip."bumaling si Tita sa driver."Manoy,kayo na pong bahala.Ingat lang po kayo sa pagda-drive at medyo sira ang kalsada sa Bandang salvacion."


"Sige,Ma'am"

Pinikit na ni tita ang mata nito.Kinuha ko naman ang mineral water sa supot at binuksan iyon.Tinabi ang sandwich,busog pa naman siya.Nakadapo ang mata ko sa tiyahin na mukhang mabilis na nakatulog.Sumandig siya at pinikit ang mata.Kahit na nahihirapan man ako matulog ay pinilit ko sang sariling umidlip.

His Service Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon