Erika's POV
"Ayos na lahat na mga papers mo."
Inayos ko ang sintas ng sapatos ko ng sumungaw ang ulo ni beverly sa pintuan ko.Tulad ko ay bihis na din siya.Ang buhok niya abot hanggang beywang ay maayos na nakapusod,she's wearing a simple touch make-up and she seems excited for her.
"Kaz,are you ready?"pumasok siya sa loob ng kwarto ko.
Tumayo na rin ako pagkatapos,sinukbit ang bag na nasa kama at ang isang brown envelope.
"Yep."
Tama nga ang hula ko.Inihatid sila ni Tito sa school,hindi pumasok sa trabaho si Tita dahil walang magbabantay kay Renan dahil nakasakit daw ang yaya nito.
"Susundin ko ba kayo mamaya,beverly?"tito asking right away na biglang-bigla bumaba ang anak sa kotse.
"No,pa!Ako nang bahala kay Insan.Magt-tricycle na lang kame pauwi."
Binalingan ako ni tito.Nasa mukha nito ang pag-alala.He's worried,okay.
"Kaya mo na ba,Erika?You want me to come?"
Mabilis akong umiling,tiningnan ang pinsan na naghihintay sa kanya sa labas.Malayo ang tingin nito na para bang may hinahanap.Probably her classmate or close friends.
"Kaya ko na po.Kasama ko naman si Beverly."
"Oh okay.Just text me kung may problema ka dito."
"Okay po.Thank you,tito."
I bid my goodbye to my tito bago lumabas ng kotse.Nakapameywang ang pinsan na tumingin siya sa'kin.
"Daan muna tayo sa canteen."sabi niya bago ako hinawakan sa braso.
Wala na akong nagawa ng mabilis niya akong hinila.Napatianod na lang kaysa iwan ko siya.Habang naglalakad sila ay nakalibot ang tingin ko sa paligid.Sa ko pagkakaalam ito ang pinakamalaking school sa Salvacion.Hindi tulad sa cities na madaming naglalakihang university's.Hindi ito kalawak ng school niya sa Manila pero hindi naman nalalayo kung sa building lang.They also have a big grandstand,kitang-kita ko na kahit sa malayo pa.
"Kumain muna tayo sa canteen,kaz."
"Ha?Kumain na tayo sa bahay,di ba?"nagtataka kong sabi.Nakangiting nilingon siya nito.Ang kanyang nakasintas na mahabang buhok ay nakadagdag lang sa assets nito.Malaki ang pagkahawig nilang dalawa pero mestiza ang pinsan niya habang ako ay morena,mas matangkad naman siya dito.
Pumasok kame sa canteen.Madami ng estudyante na kumakain.Nakaramdam ako ng hiya ng mapansin na tumingin sa kanila ang mga estudyanteng kumakain sa loob.Parang wala naman sa pinsan na luminga-linga na naman sa paligid.
"Ano na?"pasimpleng tumingin sa paligid at nakitang nasa kanila pa rin ang paningin ng mga estudyante.
"Wait."
Binitawan niya ang braso ko,kinuha ang cellphone sa bulsa ng palda nito at tinipa.Ilang segundo lang ay tumunog iyon.
"Hi,sheen!Asan kayo?"sabi nito sa kausap sa phone.Sumulyap sa'kin ng isang beses."Wala...hindi ko sila kasama,yep...Pinsan ko ang kasama ko.Asan ba kayo?"
Ulit.Umikot ang paningin niya sa buong paligid."There you are!"malawak ang pagkangiti niya ng ibaba ang cellphone."Let's go,Kaz."at hinawakan na naman siya sa braso.Napayuko na lang ako.
"Hi,sheen!"bati nito sa lalaki na nag-iisang nakaupo sa malaking table.Simpatikong ngumisi ang lalaki sa pinsan.
"Where is Grae?I texted him last night hindi siya nagr-reply."
Sinipat muna ng lalaki ang pinsan mula ulo hanggang paa bago nilipat ang tingin sa kanya.Nahihiyang ngumiti ako sa lalaki.Sa tingin pa lang halata mo nang may sabi sa buhay ang lalaki.His creamy skin and shiny hair plus his clean clothes.Nailang ako sa klase ng titig na pinupukol niya sa'kin.Pinag-aaralan siya nito pero tumagal ang tingin nito sa mukha ko.
"Sheen!itigil mo nga yan!"saway ng pinsan sa lalaki.
Napade-kwatro ang lalaki at sumandig sa umupuan.Tumaas ang kilay nito."What?"
"Pinsan ko siya so back off."matigas na sabi ng pinsan ko na pinaupo sa upuan na malayo sa lalaki.Akala ko tatabi siya sa'kin."dito ka lang,insan,tatabi ako mamaya sa boyfriend ko."
"Boyfriend?"
Nag-aalinlangan pa ito sa pagtango.So tama nga si Tita may tinatagong nobyo talaga ang pinsan.Akala niya masyado lang protective ang mga parents nito pero totoo nga.
"You know,kaz,masyadong kumplikado."ngumiwi ito.
Nagbuntong-hininga tumango ako.Nanlaki naman ang mata nito."You understand?"
"Oo."
"Waah!narinig mo yun,sheen?She understand me,di tulad mo na panira ng relasyon."
Sumimangot ang pinsan sa lalaki.Tumingin din ako.At ganun na lang ang gulat ko na makitang titig na titig sa kanya ang lalaki,hindi man lang tuminag kahit naabutan ko na.His eyebrow raise na sinagot ang pinsan,not leaving my eyes.
"Naiintindihan niya ba talaga?Of course..hindi niya pa kilala ang pinsan ko."
"I hate you,Sheen Del Valle!"
"Why?I thought you love me?"
"Aha!Kapal mo!"
Bumitaw ako sa titigan nila ng lalaki para tignan ang mukha ng pinsan.Namumula na ito sa inis.Ano'ng sinasabi ng lalaki?Akala ko ba...
"Wag kang maniwala sa pinagsasabi ng lalaking yan,Kaz.Psycho yan."
Ayan na naman ang simpatikong ngiti ng lalaki na tinignan ang pinsan."Psycho?Haha!You making me hard there,lady."at sumipol pa.
Kumuyom ang dalawang kamao nito na pigil na pigil ang galit.Bago pa mag-away ang dalawa ay tumayo na siya at pinigilan ang pinsan.Wala akong maintindihan sa sinasabi ng mga ito.Hard there ano?
"Tama na yan."saway ko sa pinsan.Mabilis ang hininga nito na tanda na galit ito.Hinaplos-haplos ko ang likod niya.Maya-maya ay naging normal na ang hininga nito.Sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumayo ang lalaki.
"They're here."sabay sulyap sa pinsan ko.The guy stand up.And the next i knew ay katabi ko na siya.Nagulat ako.
"Upo ka na.Mukhang nangangawit ka na."
Napabitaw ako sa braso ng pinsan nang masuyo siyang hilahin ng lalaki.Mabilis akong bumaling sa pinsan na hindi man lang siya tinignan.Nakatingin na kasi ito sa entrance ng canteen.Malaki ang ngiti at naningning ang mga mata na para bang may bituin dun.
"O-Oo.Thanks."
"Don't mind her.May sariling mundo na yan."
"Ha?"
"Your cousin and.."tinuro niya ang pinsan ko."her boyfriend is here.What do you is gonna happen next?"kinuha ang isang stool at sumenyas na umupo na ako.
Tama nga ang lalaki.Tumingala ako sa pinsan na may sariling mundo na nakatingin sa tatlong lalaking paparating.Napatingin ako sa tatlong lalaki at ang una niyang masasabi ay parehong gwapo ang tatlo.Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya dahil napako ang tingin ko sa nakagitnang lalaki.Isa lang ang masasabi ko.He's damn hot!