Kabanata 6
She felt something.Binalewala niya iyon ay bagkus ay tumanaw sa labas.Malakas ang kabog ng puso niya.Kanina pa siya kinakabahan kaya halos ay hindi siya gumagalaw sa kinauupuan.Limilipad ang utak niya.Sana nasa bahay nila ang mga magulang,kung wala ay baka sumabog na siya sa sobrang kaba.
"Kalma lang,Jan."dinig niyang sabi ni Beverly.Katabi niya ito habang yung estrangherong lalaki ang nagmamaneho.
"She look pale."sabi nang lalaki.Isa sa mga napansin niya ay ang malalim na boses nito.Deep and man voice.
"Kinakabahan lang siya,Steve.Wag kang mag-alala ganyan talaga yan.Hindi na bago."
"Huh?what do you mean,Beverly?"
Umirap ako.Maging siya ang nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ni Beverly sa sinabi.Lagi nga siyang problemado dahil sa mga magulan niya pero wala siyang naaalala na nakita siyang ganito nang mga kasamahan sa trabaho.
"Hehe...basta,Steve.Kinakabahan lang siya."
"Oh!"anas ng lalaki at tumingin pa sa gawi ko.No reaction lang ako.
Pagkaparada ng kotse nito ay dali-dali akong lumabas.Hindi na hinintay si beverly.Malakas ang kabog ng dibdib niya.
"Ma!?"
Malakas niyang tawag sa Ina at binuksan ang pintaun nila.Nakaandar ang lahat ng ilaw kaya agad niyang nakita ang hinahanap.Nakaupo ito sa sofa habang may hawak na bimbo na pinupunas sa mukha nang Ama niya.
Malaki hakbang na pinuntahan niya ang Ina.
"Ma!"niyakap niya ito.Parang may bara sa lalamunan niya ng yakapin siya nito pabalik.Takot na takot siya kanina para sa kapanan ng Mama niya.Akala niya ano nang masamang nangyari.Kung nangyari iyon ay hindi niya mapapatawad ang sarili niya.
Umiiyak na hinaplos nito ang mukha niya.Kagat labi sumulyap ako sa Ama na natutulog sa Sofa nila.Madami na namang pasa sa mukha.Kumirot ang puso niya sa sinapit nito.
"Okay ka lang ba,Anak?"tanong ng Ina.
Tumango ako.Parang may tinik na nakuha sa dibdib niya.
"S-Sino pong?"
Umalis sa pagkayap ang Ina at lumuhod paharap sa Amang natutulog.
"Hindi ko kilala,Anak.Nagulat na lang ako na pinalabas kame ng mga pulis.Nung una akala ko ay ililipat lang ako nang selda pero nagulat ako na pinalabas kame nang Papa mo.May lalaki daw na nagpiyansa sa'min.Hindi na din ako nagtanong dala ng takot naramdaman ko."ginagap nito ang kamay niya,pilit siyang pinapaluhod.Umiling ako.
"Anak,patawarin mo na ang papa mo.Malaki ang kasalanan niya pero naaawa ako sa kanya."
"Wala siyang awa,Ma."yun lang nasabi ko.Kinuha ang kamay sa Ina at tumayo na.
Mapait na ngumiti ang Ina sa kanya."Dadating din ang araw na mapapatawad mo din siya.Hihintayin ko yun."
"Hindi ko alam."
Tumalikod na ako para puntahan ang mga kasama sa labas.Hindi na pala kailangan dahil nakita niya si Beverly sa bungad ng pintuan.
"Okay na ba sina Mama mo?"tanong nito pagkalapit ko.
Nilingon ko muna si mama bago sumagot."Oo."
"Mabuti naman kung ganoon.Ikaw?"
![](https://static.wattpad.com/img/image-moderation/blocked-cover.jpg)