Erika's POV
"Is this your first day?"tanong sa'kin ni Miss.Gargarino.Malaki ang salamin sa mata at una mo makikita ay ang istrikto nitong Aura.Pinasadahan uli nito ang Form niya at patingin-tingin sa'kin.
Tipid akong ngumiti sa guro."Yes po."
"Your grades are good.Are you a dean lister?"tanong pa nito.Binaba ang form na hawak at may kinuha sa cabinet na nasa gilid.Mabilis akong umiling.
"Hindi po,Ma'am.Sadyang masipag lang po mag-aral."
Hindi niya naman ako sinagot.May tinawag itong lalaki na sa tingin niya ay estudyanteng naka duty sa library.Inabot nito ang form sa lalaki.
"Ihatid mo siya kay Miss.Caballero and present her form.Sabihin mong ako nag-utos sa'yo."sabi nito sa lalaki bago ako binalingan."And Miss.Vasquez,okay na lahat ng mga documents mo,inayos na ni Mrs.Santiago.At para sa School I.D mo,hindi mo pa naman makukuha agad-agad so,bibigyan ka muna namin ng temporary i.d so that pwede ka makapasyal sa buong school at library.Here."sabay abot sa'kin ng I.D.
Umusal ako ng pasasalamat sa guro at tulad ng instruction nito ay sumunod siya sa lalaking estudyante.Malaki ang loob ng school at hindi na rin makakalayo ang mga building sa dati niyang school sa maynila.Ang kaibahan lang ay masarap ang simoy ng hangin dito dahil sa nagtataasang mga puno.
Nakasunod lang ako sa lalaki.Hindi siya nito nilingon o kinakausap man lang kaya mas okay nga dahil nagkaroon siya ng oras para makanasid-masid sa paligid.Pang-apat na beses silang lumiko at dalawang beses na umakyat.So,nasa second floor ang room niya?
Diretso lang ang lakad nila.Tumingin siya sa gilid at ganun na lang ang gulat ko nang makita ang apat na lalaki!Nasa sulok ang mga ito at mukhang may pinag-uusapan.Hindi ko na sana sila papansinin ng biglang bumaling sa direksyon ko ang tingin ng dalawa.She gulped at dali-dali umiwas ng tingin.
"We're here."
Huminto siya sa paglalakad.Kumatok naman ng tatlong beses sa pintuan ang lalaki bago ako nilingon.Seryoso ang itsura nito ng iabot ang form sa'kin.Nagtaka naman ako.Akala ko ba siya magbibigay ng mga form ko?Bakit binigay niya sa'kin?
Hindi na lang ako umimik at inabot na lang.Bumukas naman ang pinto at lumabas dun ang isang guro.Sa tingin niya ay si Miss Caballero na.
"Yes,students?"
"Good morning,Miss.May new student po."Magalang na sabi ng lalaki.Tumingin naman sa'kin ang guro.
"Miss Gargarino-"
"I know,Gilbert.Ako nang bahala sa kanya,You can go back now.And you,pwede ka ng pumasok."
Nagpaalam na ang lalaki sa guro pero bago pa siya nito talikuran ay mabilis akong nagpasalamat na tipid namang ngiti ang sinukli sa'kin.Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob.Malakas ang kabog ng dibdib ng makitang madaming estudyante sa loob,nakatingin sa'kin.Medyo lumuwag ang paghinga ng makita ang pinsan.Malaki ang ngiting kumaway sa kanya.
"You can introduce yourself later.So,for now maghanap ka muna ng upuan mo."
Tumango naman ako sa guro.Dali-dali akong pumunta sa direksyon ng pinsan,hindi pinansin ang mga nakasunod na tingin sa kanya.Nakita kong bakante ang upuan sa tabi ng pinsan.Napangiti naman siya.
"Sinasabi ko na nga ba.Magiging classmate kita!"mahing bulong nito sa'kin.Kita sa mukha ang saya.
"Mabuti nga lang."sabi ko lang.Umupo na siya sa tabi nito.Inayos ang bag ng mapansing may dalawang upuan pang bakante.Bumaling siya sa pinsan.Nasa pisara na ang tingin nito kaya kinibit-balikat niya na lang yun.Nakaayos na siya ng upo at tumingin na sa pisara.Bumukas ang pintuan at pumasok dun ang dalawang lalaki.