"Bitawan mo ako!"
Nawawalan na siya ng pag-asa.Hinang-hina na siya,ano mang oras ay matutumba na siya.Mawawalan ng lakas.
"Bitawan niyo ang Anak ko!"
Sinugod ni Papa ang mga lalaking nakahawak sa kanya.Hindi man lang natinag ang lalaking may hawak sa kanya ng hampasin ito ni Papa sa likod.Parang wala lang nangyari.
Bumaling ang isa sa mga lalaki sa likod nito.Tumingin kay Papa.Nanlaki ang mata niya.
My god!Tulungan niyo po kame!Tulungan niyo po kame!Maaawa kayo!
Nanghihinakot na umaatras ang papa niya.Takot ang bumalot sa mukha nito.Tumingin siya sa'kin na tulad nito ay nanlaki din ang mata ko.Kung yung kaninang takot na bumalot sa dibdib ko ay mas lalong dumoble ng nagsimulang maglakad ang lalaki sa direksyon ng papa niya.
"A-anong gagawin mo!W-Wag!"pumiglas siya sa hawak ng lalaki."Wag niyong sasaktan ang papa ko!"
Ngunit parang bakal ang mga kamay ng lalaki na nakahawak sa'kin.Kahit anong pilit ko na makawala ay hindi niya magawa.Awang ang mga labi,hilam ng luha ang mga mata na nagmamakaawang wag sasaktan ang papa niya.Tumingin ako sa lalaking may hawak sa'kin at binalik ang tingin Sa lalaking ngayon ay nasa harapan na ni Papa.
"A-anong-?"natumba si Mang dante,napaupo.Puno ng pasa ang mga mukha at nanakit ang katawan dahil sa pambubogbog na naabot kanina sa mga lalaki.Hindi pa nasiyahan ang mga demonyong lalaki pati asawa't anak ay dinamay pa.Awang-awa tinignan niya ang asawa na nakahiga sa gilid nito.Walang malay tao at sa anak na hawak ngayon ng mga lalaki.
"Wag kang mag-aalala,Vasquez.Wala naman kameng planong patayin ka o ang asawa't anak mo."mala demonyong sabi ng lalaki.May kinuha itong bagay sa gilid.Parang puputok ang ulo ni mang dante nang makitang tubo ang inabot ng lalaki.
Hinimas-himas nito ang tubo habang nakatingin kay Mang dante.
"Mabait naman ang boss namin.Gago ka kasi,pati negosyo ni boss pinatos mo!Ano ka tuloy?"inamba nito ang tubo kay Mang dante.Napaigik ang matanda ng tumama sa braso nito ang tubo.Napasigaw ito sa sakit.
"Pinakiusapan ka ng wag kang magsusumbong sa pulis!Pero anong ginawa mo!?Talagang anak ka ni Judas!Tarantado na traidor pa!"akmang hahampasin uli ng lalaki ang matanda ng sumigaw si Erika.Panigurado kapag muli hinampas ng lalaki ang tubo sigurado mamatay ang tatay niya.
Nilingon ako ng lalaking may hawak na tubo.Napasinok ako.Masakit ang labi niya dahil sa pagsampal kanina ng lalaki.Pero hindi niya inalintana ang sakit na nararamdaman ngayon,ang mahalaga ngayon ay makaalis sila dito,sa kamay ng mga lalaki.
"Demonyo ka!Ano bang kasalanan namin sa inyo!?"malakas kong sabi ngunit halakhak lang ang tinugon ng lalaki sa tanong ko.Napangiwi pa ako nang mahigpit na pisilin ng lalaking may hawak sa'kin ang braso ko.Yung kaninang puting-puti kong uniporme ay naging pula na ang kulay.
"Ano daw kasalanan nila,boss!?Hahaha!"nang-uuyam na sabi ng lalaki sa gilid ko.Napahikbi ulit ako,hindi sa sarili kundi sa nanay ko.Kanina pa ito nakahiga sa sahig,lumalangoy sa sariling dugo.
"Bakit,babae?May magagawa ka bang kung sakali sabihin ko sa'yo?"sabi ng lalaki,nakauma pa rin ang tubo sa tatay ko.Nakita kong yumuko ang tatay niya.Parang bumagsak ang puso niya ng makita ang kalagayan nito ngayon.
Mataas ang pagtingin ko sa mga magulang ko.Isang guro ang nanay ko habang si Tatay naman ay isang pulis.Simple lang ang buhay nila,masaya at kuntento na kung ako meron kami.
"Wag!"
Pakiramdam ko ay parang biniyak ang ulo ko nang walang awang hinampas ng lalaki ng tubo sa ulo ng tatay niya.Parang tumigil ang paligid niya sa nasaksihan.Muhing-muhi ako sa sarili.Na sana hindi na lang nangyari ang lahat na nangyari,na sana sa kanya na lang nangyari.
Napahiyaw ako ng iyak ng dahan-dahan natumba si Tatay.Tirik ang mata nito at nakanganga dahil sa sakit.Hindi ko makalimutan...ang sakit-sakit,na mas gugustuhin ko pang ako na lang mamatay kaysa makita ang taong mahal mo na mamatay.
Binatawan ako ng lalaking may hawak sa'kin.Napaupo ako dahil sa panginginig ng mga paa ko.Wala nang lakas,pati ang katawan ko ay nanginginig na.Malabong ang paningin na dumapa ako,paggapang na tinungo kung saan si tatay.Wala na akong pakialam...basta malapitan lang si tatay.Ang kawawa kong tatay...
![](https://static.wattpad.com/img/image-moderation/blocked-cover.jpg)