Kabanata 12

3.5K 65 19
                                        

Kabanata 12

"Papa steve..."

Malanding tawag ni Beverly sa lalaki.Lumingon ito sa kanila.Tinulak naman siya ng babae palapit dito at muntik na siyang mapasubsob sa dibdib ng binata mabuti na lang nakahawak siya sasak.

"Opps..sorry!"sigaw ng babae.

Nag-aalalang mukha na lumapit sa kanya si Steve.Hindi niya alam pero bakit ba kumakabog ang puso niya?Estrangherong pakiramdam na ngayon niya lang naramdaman.Hindi naman ito ang kaunahang-unahang pagkakataon na may gwapong lalaking na lumapit sa kanya,madami na siyang nakita sa coffeshop minsan nga Artista pa o di kaya model ngunit ngayon lang siya kinabahan ng ganito.

"Bakit mo naman siya tinulak?"mahinang sabi nito na nilingon pa ang babae sa likod niya.Napako ang mata niya sa dalawang kamay nito na aalalayan siya.Nanlaki ang mata niya!Ano bang nangyari sa kanya?

Mabilis siyang tumayo at umiwas dito.Sa ginawa niya ay naabutan niya ang pagkindat at pagngisi ni Beverly sa lalaki.At may narealize siya!Sinadya nitong itulak siya!Sinamaan niya ito ng tingin.

"He-he-he."nag-peace sign pa ito bago tinakbo ang kotse at mabilis na pumasok dun.Naiwan naman silang dalawa ni Steve sa labas.Napangiwi siya,hindi pa rin tumitigil ang puso niya sa pagtibok.Kinakabahan ba siya?Bakit?

Tumikhim ang sa likod niya."Pasensya ka na..."nilingon niya ito.Malamig ang mga asul nitong mata."Kanina pa sana ako aalis ng dumating ang kaibigan mo.She asked me kung pwede kayo sumabay."paliwanag nito.

Umiwas ako ng tingin.Sinulyapan ang babae na nasa loob ng sasakyan.Nagbuntong-hininga siya.

"P-Pwede namang si Beverly ang isasabay mo."Wala sa sariling naisatinig niya.

"She came her for you hindi para sa'kin."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya.Madilim ang mukha nito.

"Let's go."hinawakan niya ako sa braso.Napapiksi ako.Bakit ganun?Parang may kuryente na dumaloy sa kamay nito papunta sa braso ko?

Nagkatinginan silang dalawa at sabay din nag-iwasan.Tumikhim ito at pinalis ang kamay sa braso ko.Hindi niya naman alam ang gagawin.Kinakabahang di niya mawari.Ano ba ang nangyayari sa kanya?Kulang ba siya sa tulog o nahihiya dito?Hindi niya alam!

Hindi pa sila kikilos kung hindi pa sila tinawag ni Beverly.Nakangisi ito na pinapanood sila.Sumulyap siya sa katabi.Nahuli nakatingin pala ito sa kanya!

"Did you feel it?"

"Ha?"naguguluhan niyang sabi.

"Electricity?"natigil siya sa paghakbang at mabilis na humarap dito.Hindi na pinansin ang hiyang naramdaman kanina at ang babae na nasa loob ng sasakyan.Humarap siya sa lalaki na ganun din ang ginawa."Anong pinagsasabi mo?"

Mariin ang klase ng pagtitig nito sa kanya,parang tinatagos sa buong pagkatao niya.The way he look at her ay may ibang siyang nararamdaman.Hindi isang kilabot ngunit ibang pakiramdam.

"Wag mo nang isipin ang sinabi ko.Mali-late na kayo."at walang lingong tinalikuran siya.Siya naman ay naiwang nagtataka,nakasunod ang mata sa likod ng lalaki.Sino bang tanga hindi alam ang electricity?In-english lang eh.

Ilang segundo siyang natigilan.Electricity?Naramdaman din niya?Akala niya siya lang ang nakaramdam nun,hindi pala dahil pati din ito.

Hindi pa sana siya kikilos kung hindi pa siya tinawag ni Beverly.Wala na ang ngisi nito pero nanunukso ang mga ningning ng mga mata nito.Walang nagawang tinungo niya ang sasakyan ng lalaki.Bubuksan sana niya ang pintuan sa likod dahil nandun si Beverly.

His Service Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon