Kabanata 11

2.7K 43 12
                                        

Kabanata 11

"Upo."

Kinakabahang umupo siya sa dulo ng kama.Malalaking hakbang na lumapit sa kanya ang mama niya.Seryoso ang mukha nito habang wala kakurap-kurap na pinagmamasdan siya.Siniklop niya ang dalawang palad dahil sa kaba.Kung may tao man na kaya siyang takutin iyon ay si Mama niya.Mahal niya kasi eh...

"I'm sorry.."mahina niyang paghinging tawad.

"Bakit ka humihingi ng tawad?"tumabi ito sa'kin.Napayuko naman ako."Sobrang kameng nag-alala ng papa mo sa'yo.Saan ka ba nagsuot na bata ka?Sinabi ko na sa'yong wag ka nang magtrabaho kung gabi,ako na lang ang maghahanap ng pera."

Umiling ako."Kaya ko naman po."

Hinaplos nito ang buhok ko.Iba talaga kapag haplos ng ina.Pinapagaan ang loob mo.Lahat ng pagsisikap ko ay para sa kanya..okay lang na ako ang mahirapan basta wag lang si Mama.Okay lang na ako ang masaktan wag lang si Mama.Siya lang ang tanging kayamanan na pinanghahawakan ko ngayon,siya ang tanging lakas ko na kailangan ko pa mabuhay.Sa kanya ako humuhugot ng lakas.

"Bata ka pa,Anak.Disi-otso ka lang,hindi mo dapat pino-problema ang bagay na kame lang dapat ng papa mo ang pomo-problema."

"Pamilya ko kayo."

Naluluhang niyakap siya ng mama niya.Niyakap niya ito pabalik.Napabitaw lang siya ng bumukas ang pinto at sumungaw ang ulo ng Ama dun.

"Janice..."tawag nito sa asawa."Magpapaalam na daw si Steve.."

Dun niya lang naalala ang binata.Anong ginagawa ng lalaki sa bahay nila?At magdamag pang nanatili sa bahay nila.

Sabay silang lumabas ni Mama.Hindi na muna siya naligo,mamaya na kapag nakaalis na ang lalaki.

Nakaupo ito sa luma nilang sofa at nanood sa lumang t.v nila.Seryoso ang mukha nito.Maayos na rin ang buhok nito.Lumingon ito sa kanila.Hindi niya alam pero kinabahan siya.kinapa niya ang parteng puso.Mahina kasing kumakabog iyon sa hindi niya malamang dahilan.

"Dito ka na mag-agahan,hijo..pasensya na at ngayon lang nakauwi itong si Janina namin."sabi ni Mama na sumenyas kay Papa na ayusin ang mesa.

Tumikhim muna ang lalaki bago inalis ang tingin sa'kin.Nasabi ko na bang sa kagwapuhan lang ay abot na ng lalaki?Matangkad ito at matipuno ang katawan.Mukha at amoy mayaman.Halata na rin sa pananamit nito at sa kinis ng balat.

"Nakakahiya naman po,tita..."

"Sus!Wag ka ng mahiya,Iho!Buong magdamag mong hinintay si Janina.Sabi mo kako may gusto kang sabihin sa Anak namin?"tanong ni Papa dito.Nagtatakang tumingin ako kay Mama na hindi nakatingin sa'kin.Naglakad ito palapit sa mesa,inayos ang pagkain dun.

"Ah..eh..baka po may gagawin pa si Janina.."at sumulyap sa'kin.Nagbuntong-hiningang sumabat ako.

"Hindi."

Nawala ang pagngiwi nito sa sinabi ko.Umayos ng tayo at pinagtitigan ako.Hindi ko kayang salubungin ang asul niyang mga mata dahil may naaalala ako sa mga matang iyan.

"Really?"

Tumango ako.Naglakad na rin patungo sa hapag-kainan.Nakita niyang pinaghandaan ng mama niya ang mga pagkain.Kung kame-kame lang ay pandesal at kape ay okay lang pero ngayon ay scrambled egg,sunny side up,may hotdog at Corned beef.Inutungan ba ito ni Mama sa tindahan?

Hindi na lang ako nagtanong.Sumulyap lang ako kay Mama na nakangiting nakatingin sa bisita nila.Napailing na kumuha ako ng stool at umupo.

"Dito ka,iho.."alok ni papa sa tabi niya.Hindi ako kumibo.

His Service Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon