Kabanata 7

3.9K 50 1
                                    

Kabanata 7

Minulat ko ang mata ko at agad kumunot ang noo ko na mamulatan ang hindi pamilyar sa kanyang lugar.Babangon sana siya nang may magsalita sa tabi niya.


"Opps...not so fast,darling."

Nilingon niya ang estrangherong lalaki na ngayo'y ay papalapit na sa kanya.Anong ginagawa ng lalaki dito?Nasaan siya?

Nabasa yata nito sa mukha niya ang pagtatanong kaya ito na ang sumagot.

"You lost conscious sa kalsada.Nakita kitang naglalakad sa edsa,babatiin sana kita ng makita kitang bumuway."paliwanag nito.Hindi naman ako nagsalita.Nakatingin lang ako sa kanya.

Ngumiti ito."Wag kang mag-aalala.Wala kang injury,sinabi lang ng doctor may lagnat ka."lumapit ito sa maliit na mesa na nasa gilid niya.Sinundan ko siya ng tingin at nakitang madaming nakalapag na prutas dun.Kumulo ang tiyan niya.

"Wag mo sanang isipin na nakikialam ako o stismoso ako.."inabot niya sa'kin ang apple na nabalatan na.Matagal ko tinitigan yun.Hindi siya sanay na may ibang tao ang gumagawa sa kanya nun.Sanay siyang siya ang nagaasikaso sa sarili niya na walang tulong ng iba.

"Walang lason to."kinuha nito ang kamay niya at nilagay dun ang mansanas.Masama ko siyang tinignan.Ngumiti naman ito."Eat it.Alam kong gutom ka."

Hindi ako kumilos.Masama pa rin ang tingin ko sa kanya.Nakangiti pa rin siya.

"What?"tanong nito.Nagbawi lang ako ng tingin ng lumpit siya."I can see that you're independent woman pero hindi naman masama kung minsan ay tumanggap ka din ng tulong sa ibang tao.Hindi mo yun ikakamatay.Believe me."

"If i don't?"mahina niyang tanong.Nagkibit balikat ito.

"Then try to believe it."

Tumahimik na siya.Tinitigan ang hawak na mansanas ng mag-pop sa utak niya kung nasaan siya ngayon.Ang lugar na ito ay hindi sa ospital.


"Where am i?"tanong niya dito.

"Ospital.Saan pa?"

I rolled my eyes.Nakikita niya sa asul nitong mata na niloloko siya nito.Masaya ba siyang may nilolokong ibang tao?Dahil ako hindi nasisiyahan.

Katulad ito sa mga mayayaman nilang customer na laging umo-order ng kape sa kanila kahit gaano kamahal iyon.Isang Kape na naghahalag ng 500 pesos.Isang kape lang yun pero gumagasta talaga ng malaki para sa kape.At sa tingin niya ay isa sa mga taong yun ang nasa harap niya ngayon.

"Kung wala kang gagawin sa buhay mo wag mo akong idamay."naiinis niyang sabi.Nilapag niya ang hawak na mansanas sa kamay at hinawi ang kumot na nakatakip sa beywang niya.Ganun pa rin ang damit niya kaya walang problema kung aalis siya ngayon dito.

Mabilis itong lumapit sa kanya."Hey!Binibiro lang kita."

"At hindi ako natawa."

Napakamot ito sa ulo at hinarangan ako.Mariin na nilapat ko ang mga labi at tiningala siya.Malaki at matangkad siyang tao.Hanggang balikat lang siya nito.


"Hindi ka pa pwede tumayo.May lagnat ka pa."

"Malayo sa bituka ang lagnat ko,Mister."humakbang ako,hinarangan naman ito.


"Kahit na.Sabi ng doctor."

Tiningala ko siya.Nandun ang pag-aalala sa asul niyang mga mata.Parang nakita niya ang mga matang yan pero hindi niya maalala kung saan niya nakita ang mga iyon.

His Service Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon