Cleo's POV
"Alright! This is it! This is it! THIS IS SO FCKING IS IT!!"
"Kaya ko to, kakapalan ko lang mukha ko diba? Easy lang to! Chicken!" kumbinsi ko pa sa sarili ko.
"Ah, Tita Cleo?"
"Hey Lucas!" baling ko sa katabi ko. "Nandiyan ka nga pala ano?"
Lucas here is my child. No. Not biologically, I mean I adopted him.
"Wag mo kong pansinin, okay? I'm going out in a minute, be a good boy and stay in the car. I' ll turn on the DVD, is that alright?"
"Yep! sige po!" sang-ayon nya.
Anyhow, I checked him a couple times more. As in, pagkalakad, babalikan ko sya, pagkalakad, babalikan ulit kaya tuluyan na syang nairita.
"Alis na Tita!" taboy nya sa akin kaya sumimangot ako. Ang sungit ah!
Pumasok na ko at sumakay ng elevator.
Ive reached my target floor and exhaled. Alright. Go talk with the secretary first, then to the Boss and its done!
"Hi! Good afternoon! Im Cleopatra Atlanta of St. Albert Hospital.. uhh.. it may seem urgent.. but.. uhh urgent ba ang tawag dun? ay hindi hindi.." practice ko ng script.
Napatigil na lang ako sa pagmumuni muni ng bumukas na ang elevator.
Lumabas ako at lumapit sa sekretarya na nakaupo sa gilid ng isang napakalaking pinto.
"Hi! I'm Doctor Atlanta, may appointment ako kay Mr. Eliazar." bati ko at tumango naman sya.
"Yes uhh.. here! Doctor Atlanta!" kumpirma nya sabay angat ng telepono.
"Sir Clark, dito na po si Doc Atlanta.. ah.. sige po sir.. thank you sir!" sagot nya at angat ng tingin sa akin.
"Doc pasok na daw kayo.." aniya kaya nanliwanag ang mukha ko.
"Ayos! Thanks Miss ha!" kindat ko.
I exhaled before opening the door. "Please accept the proposal, please accept the proposal." non-stop na dasal ko. Ito na! Sugod!
Binuksan ko ang pinto at nakaabang ang isang lalaking nakaupo sa swivel chair nya. Nakasalumbaba sya na akala mo'y nanonood ng tv. Umangat ang tingin nya kaya natuod ako sa kinatatayuan ko.
"Relax Cleo!" bulong ko sa sarili ko. Susginoo, ano ba tong ginagawa ko?! This is embarassing! Desperada na ata ako! sigaw ko pa sa utak ko.
"Hey hi!" kaway ko sa lalaki kaya halos magpigil sya ng tawa. Napafacepalm din ako dahil shet! nasan na ang mga pinaraktis kong script!
"Haha! Hi din?" sagot nya ng nakangiti.
Tumayo sya at sinenyasan akong maupo sa harap nya. Kahit papano nakampante ako. He looks really welcoming.
Naupo ako ngunit wala pa ring lumalabas sa bibig ko! Susmaria! Sa dami ng script ko, wala akong maalala!!
"Hi again. Im Clark Kent Eliazar, just call me Clark." pakilala nya sabay abot ng kamay.
Aabutin ko na sana ng shoot! Napatakip ako sa bibig ko dahil natatawa ako. His name is Clark Kent! Diba si Superman yon? Shit talaga! Natatawa ako! Tingin ko pulang pula na ko kakapigil ng tawa!!
"Ha? is something wrong doc?" kunot noong tanong nya.
"H-Huh? Uhh.."
Huminga na lang ako ng malalim at tinanggap ang kamay nya.
BINABASA MO ANG
My Twin's Rejected Bride (COMPLETED)
RomanceTwins named after a Superhero and a Supervillian.................the worst part is------ AKO ANG NAKAKUHA NG PANGALAN NG SUPERVILLIAN?! The hell?! Paano nangyari yon? how did my parents know? I think i deserve the Superhero's name more than my twin...